Sunday, August 3, 2008

leche plan


plan first. applicable ba sa akin ang dalawang naghuhumiyaw na salita na iyan? actually minsan pasok ito sa banga, minsan hindi. isa akong spontaneous na tao at sa totoo lang pati ang pagplaplano ay minsan spontaneous na lang sa akin. magplaplano ako kung gugustuhin ko. or out of the blue bigla ko na lang maiisip gusto kong magplano ng ganito, ng ganiyan pero ang pagplaplano ko kadalasan pang longterm na goal. hindi iyong tipong bukas na magaganap ang lahat. minsan nilalagay ko sa jollibbe planner (move over starbucks) ko ang isang plano kong goal na matupad. pupunta ako sa month na ito or date na ito tapos susulatan ko ng goal ko for that month or date. tulad ng pagkakaroon ko ng trabaho, tinaningan ko talaga ang sarili ko na dapat by may may work na ako. well hindi naman ako nabigo. pero mas gusto ko pa rin ang surprises.
noong july 28 ang aking 21st birthday. debut ko siya at wala akong ginawang plano. siguro may sampu o mahigit pang tao ang nagtanong sa akin kung ano ba ang plano ko para sa aking bonggang debut pero ang sagot lagi ay, "wala." or "ewan ko." parang hindi birthday no? so paggising ko nga nung araw na iyon, ayun wala lang. parang normal day lang ang pagkakaiba lang tumanda ako ng isang taon sa araw na iyon. syempre nandiyan ang batian portion at hindi ko pinilit ang nanay ko na maghanda ha? pero well hindi siya nagpapigil dahil nagluto siya ng ginataan at bumili pa ng yummy cake. so dahil walang plano, wala naman akong pinapuntang bisita kaya kay sarap lantakan ng handa ng iilan lang kayo. haha. may mga special moments namang nangyari sa akin kaya okey naman siya kahit na mukhang uneventful.
kapag nagplano kasi ako gusto ko matupad talaga iyon, by hook o by crook. kaya naman kapag nabigo ako, gumuguho ang aking daigdig. tsk. kaya huwag na lang. haha hatest ko rin ang mga plan b. haha. dahil sa mundo ko isa lang ang plano, plan a lang at wala ng b to z. ano ito centrum?
surprise! surprise!
kaya kahit na mahirap ang trabaho ko at naisipan ko ng magquit ng maraming beses, hindi ko pa rin ginawa kasi nga ayoko ng routinary na buhay. yung tipong office-uwi-tulog-office-uwi-tulog lang ang drama ng buhay. sa trabaho ko kasi hindi ko alam ang mga mangyayari sa araw-araw. i mean malinaw ang mga bagay na dapat kong gawin pero sa isang iglap kaya nitong gibain ang aking pangarap o iwagayway ang watawat! but yung mga kuwento dapat talagang may plano kung ayaw maharass ang buhay.haha. so ang surprises talaga nasa corner lang. you'll never know what will happen next...
ang assumera hindi lumiligaya
sus. i hate the feeling of disappointment. feeling ko kasi everytime na magplaplano tapos hindi natutupad parang kay sakit at parang trinaydor ka ng tadhana. so mas mabuting huwag na munang magassume sa mga bagay-bagay. actually iba pa rin ang mga gimik na hindi pinagplanuhan like ngayon niyo lang naisipang pumunta sa ganiyan o kaya bukas na pala kayo lalarga. panalo talaga na magugulat na lang kayo na ang akala niyong normal na miyerkules o sabado ay isa na palang nominee para sa iyong best experience of the year.
karamihan sa mga magagandang pangyayari sa buhay ko ay hindi mga planado. ang galing din na minsan ang nagdidikta ng tadhana natin ay ang mga bagay na hindi natin pinagplaplanuhan. i mean hindi naman nating pinlano na magmamahal tayo kinabukasan o samakalawa o siguro karamihan naman ng plano natin noong bata tayo na ambition na sinusulat natin sa autograph ay hindi natutupad kasi nga nag-iiba ang ating pananaw sa buhay as we go on.
ayun. so anong plano ko bukas? secret. basta. bahala na ang lunes.

3 comments:

  1. im a spontaneous person too...i love surprises...pero eventually kailangan din...i still believe that planning for my future is a good idea..."fail to plan, plan to fail" hehe

    ReplyDelete
  2. nadama kita DEDPISH!

    oo naman RONEILUKE i plan for my future din pero i see to it na dapat matupad siya! haha

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...