Tuesday, September 30, 2008

sa ayaw at sa gusto ni father

isa akong roman catholic, naniniwala sa diyos, nagpapasko at ilang beses nang naloko ng simbahan.

ang tapang at ang strong siguro ng statement ko nang masabi kong ilang beses nang naloko ng simbahan. eh mantakin mong sabihin niyang salot at kasalanan ang pagiging bading eh. ilang tao na ang naloko sa ganoong statement? meron tuloy akong paniniwala na kaya siguro hindi umusad-usad ang pilipinas eh dahil na rin sa masyadong pangingialam ng simbahan! nasan na ang separation of church and state? naiinis ako kapag masyado nilang sinasara ang kanilang pag-iisip.

kagabi nanood ako ng i-witness na paborito kong programa, ang dokyu ni howie severino ay entitled "papa, papa paano ako ginawa?" na tinatalakay ang pagmumulat sa kabataan ngayon ukol sa sekswalidad, pagtatalik at mga sakit na maaaring makuha rito. bida rito ang only boy ni howie na sinama niya sa isang school na malayang naipapahayag ang mga bagay na hindi tinatalakay sa normal na paaralan. doon maaaring magtanong ang mga bata tungkol sa sex, private part at malayang masabi ang puki o titi ng hindi makakaranas ng latay o sermon. sinama rin niya ang kaniyang anak sa isang seminar tungkol sa sex education sa isang slum area sa malabon na para sa mga kabataan.

syempre pa natalakay ang house bill 5043: the reproductive health bill na biktima na naman ng pagkamakitid ng simbahan. ayaw kasing harapin ng simbahan ang katotohanan na ang mga kabataan ngayon ay hindi na wholesome! mas maeenganyo lang daw makipagsex ang mga bata kapag pinagaralan ito. siguro depende sa pagtuturo nito pero kung maayos naman at kung sa simula palang ay naipaliwanag ito ng mabuti, i don't think mauuwi sa iniisip ng simbahan ang mga bagay-bagay. sino ang malisyoso ngayon? sila agad ang nagiisip ng mga ganoong bagay? grrrr hindi ba nila alam na root of evil din ang ignorance?

ano ba ang gusto nilang mangyari sa mga mahihirap? humayo at magpakarami hanggang sa hindi na nila mabuhay ang mga anak nila. anong mas gusto nilang mangyari isang lalaki na nagcocondom para makapagplanning o isang lalaki na anak ng anak at dahil hindi na mabuhay ang isang dosenang bata ay magnanakaw na lang? sana buksan naman nila ang kanilang mga isip sa bagay na ito. mas gugustuhin ng panginoon na malulusog at namumuhay ng maayos ang mga anak niya. oras na para umusad na tayo, hindi na dapat tayo nagpapatali sa mga tradisyon. oras na para sa gobyerno na huwag matakot sa simbahan kung alam nilang makakabuti ang layunin nila sa nakararami. huwag matakot na hindi sila mangomuniyon, dahil kung alam naman ng diyos na mahal at nananalig ka sa kaniya, walang dapat ipangamba.

suportahan ang house bill 5o43 para sa mas matatalinong pilipino. hindi po natin kakayanin ang maraming maraming pinoy, dadami lang ang squatter at mga batang mangmang. mas mahirap na buhay, mas mapapakapit sa patalim. mas desperado, mas mabubulag sa kasamaan.

go kids magsuot ng condom!


7 comments:

  1. tingin ko, kung bumababa ang "moral" ng mga tao, dapat pag ibayuhin pa ng simbahan ang kampanya nila...
    tingin ko, nasa desisyon pa rin ng tao kung gusto nilang gumamit o hindi. ang nasa bill lang ay mabigyan ng impormasyon ang mga tao ukol sa kanilang pwedeng maging option...

    ReplyDelete
  2. sometimes tradition stagnate progress and inhibits innovations.iba na nga ang mundo ngayon and i agree with ewik na dapat ibang approach ang gawin ng simbahan so that they could win the people...

    dapat bata pa palang aware na ang mga bata. mas madaling i-mold kung malambot pa ang pag-iisip...

    ReplyDelete
  3. agree, super pakilamero ang simbahan sa lahat ng ginagawa ng gobyerno. sa tingin ko ay isa ito sa pinakamalaking impluwensya ng mga Español sa atin.

    ReplyDelete
  4. hahaha. nakakatawa. go kids! gumamit ng condom! :)

    ReplyDelete
  5. Damn those homophobic people! I don't care if a priest is one of them!

    ReplyDelete
  6. i appreciate your opinion guys.... nakakafrustrate lang kasi minsan ang simbahan! pft.

    ReplyDelete
  7. korak ka dyan, lola. ako man, supporter ako nun!

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...