
minsan magkabonding kami ng friends ko sa tomas nang biglang sumagi na lang ang tanong kay mrs. j ang tinanong kay ate shawee noong mega 30 special niya sa abs cbn, ilang porsiyento ng pagkatao mo ang pinapakita mo sa tao(basta parang ganiyan ang tanong)? syempre napaisip naman ako. open book ba ang aking buhay sa mga tao o isa akong vault na kung hindi nila alam ang number combination ay wala silang mahihita? ang sinagot ko noon 30 percent lang. narealize ko parang ang onti naman kaya i change it now to 40 percent.
kung tutuusin hindi rin kalakihan ang bago kong sagot. masasabi ko kasing isa akong secretive person. mga friends ko we are so close pero narealize ko kung tatanungin ba sila sa isang game show ng masinsinan tungkol sa akin feeling ko mahihirapan silang sumagot. hindi ko kasi ugali magkuwento ng tungkol sa akin kasi kahit na madaldal ako iam more of a listener. mas gusto kong makinig sa kwento ng iba kaysa idada ang sarili kong mga drama. so kadalasan mas maraming nakukuwento ng mga kaibigan ko sa akin kaysa ako ang chumichika.
pero bukod sa secretive ako i think nakakaapekto rin ang hirap kong pagtitiwala sa mga tao. siguro it take years or months bago ko masabi sa matuturing ko nang close friend ang isang sikreto. kumbaga pag sinabi ko ang lihim na iyon, isang lumang istorya na pala siya sa akin pero sa sinabihan ko big deal na pala siya. natatakot kasi akong ipagkatiwala ang sikreto ko sa iba kaya naman kapag sinabihan ako ng sikreto trust me till the day i die dadalhin ko ang lihim mo sa hukay (unless may offer na 100 million si banker para sabihin ko lihim mo. hehe. chos). i mean alam ko kung gaano kahalaga ang isang sikreto. kaya be thankful dapat ang drama ng mga sinabihan ko ng secret kasi i so trust them at nagtitiwala akong ikeep nila iyon.
kung 40 percent lang pinapakita ko sa mga friends ko, mas malala sa pamilya! siguro 10 to 20 percent lang ang pagkakakilala nila sa akin. yung tipong generic na saan ako nagaaral, anonh kurso ko, sinong mga kaibigan ko... basta sobrang kabaligtaran ako sa bahay namin. as in walang imik at mukha tuloy akong dead kid. haha. tapos mukha pa akong loner sa mga relatives ko. haha. well sabi nga sa isang pagaaral may iba't-ibang mukha tayong pinapakita... hay schizo mode. haha.
isa nga siguro akong vault at hindi open book pero well kahit papaano binibigay ko naman ang combination sa mga taong alam kong hindi ako pagnanakawan.
***
what is the common denominator between alex de rossi, anne curtis, toni gonzaga, mariel rodriguez, valerie concepcion and kalansay?
well galing silang kapuso at lumipat bakod sa kapamilya! hehe. alam naman nating naging maningning ang buhay nila sa abs cbn.
sana ako rin! ;)
hays sometimes it's more convenient to build walls instead of bridges becoz most of us doesn't like too much drama...or sometimes we do not want to get involved to much. somehow holding things at arms length gives us the opportunity to enjoy our private life...
ReplyDeletehowever, building bridges is much more fun... pero mahirap to lalo na kapag may mga truct issues...
peace out!
tagal mong di nagparamdam ah :)
---
off the record, the voting is now open for the e[kwento]mo: emo writing contest. i almost forgot that i passed an entry—lamentations of a withered tin can. if you liked it, don’t hesitate to drop by this site and vote. voting will proceed until october 17 (friday). there are 15 entries from 15 aspiring emo bloggers. so if you have time, it would be nice if you check us out :)
http://kundiman.net/ekwentomo-entries/
Mejo may pagkahawig pala personality natin kasi di rin ako masyado kilala ng mga parents ko. Akala nila masyadong malaki ang sungay ko at di rin nila alam sekreto ko. Pati problema ko di ko isinasabi sa kanila. It's not because I don't trust them. Di ko lang talaga feel. May marami rin akong secrets that my friends don't know.
ReplyDeleteconspiracy buff ka din pala! sana masulat mo xa... ako unang unang magbabasa! hindi mo ba xa pwede i-post dito???
ReplyDeletecreepy nga ang kusina namin. kasi nagmumulto daw dun yung lola ko. hehehe!
naku ron complicated ang story ko at sa akong wok i dont think magkaoras pa ako. haha. nagtretraining ako kaya medyo madalang. hehe
ReplyDeleteexceptional i agree. iyan minsan ang pagiwas sa kadramahan at kamushyan ng buhay. hehe
hmm
ReplyDeleteso kayu na ni ron?
tse!
so feeling mo si anne crutis ka? joke! hehe
ReplyDeletegoodluck!
wala akng new post? i guess your busy?
ReplyDeletehehe!
anyway wala akong masabi sa comment mo sa post ko. THE BEST! hehe! sana ganun nga lahat ng kometa. bumabalik. unfortunately for some people they had grown weary waiting. and became lost still... lost like they're comets floating in space...swallowed by black holes... xenxa na nega ako...
buti na lang optimistic ka :)
excuse mrs. j ha? bakit may pagmamaasim? haha
ReplyDeleteoo turismo haha. bakit hindi? pasalubong!
dont worry ron nagcoconceptualize na ako ngayon ngayon lang. haha hirap ng walang sariling pc at net sa bahay. huhu.
at yeah im optimistic. well halley's comet? hindi ba bumabalik siya sa earth every 70 something years? well matagal pero alam mong bumabalik. hehe