"6 feet under"
mahalumigmig. wala akong naririnig. madilim. tahimik ngunit ako'y nabibingi. maginaw. hindi ko alam kung anong oras na pero alam kong nakasilip na ang buwan at ang mga bituin. madilim nga. maginaw. tahimik. gusto kong magsalita. tumatalon ang mga letra sa aking isip. masikip. hindi ako makakurap. nakapikit ako. pero hindi ko na alam kung paanong dumilat. madilim. maginaw. tahimik. masikip. gabi na pero habang buhay na yata akong mahihimbing. hindi na ako magigising. masikip. maginaw. amoy lupa. ayoko ng dumilat dahil alam kong madilim. ayoko ng gumalaw kasi masikip. hindi nawawala ang lamig. gabi na at hindi na maguumaga pa. naaamoy ko ang mga nalalantang bulaklak. masikip. madilim. at ang lakas ng amoy ng lupa.
***
namimiss ko ang pagsusulat. well para sa nalalapit na undas ang aking mini story sa itaas, well kung matatawag nga siyang literatura. haha.
***
bakit kaya sa mga slasher flick gaya halimbawa ng i know what you did last summer, bakit ang bagal maglakad ng killer tapos kahit na tumatakbo na ang biktima aba naabutan pa rin niya ito hindi ba? sana sa totoong buhay mabagal na nga lang maglakad ang mga killer para naman makatakbo ng malayo ang mga biktima. at least wala ng masosoco si gus abelgas hindi ba?
bakit ang mga white lady o multong babae eh laging hindi nagsusuklay ng buhok? tignan mo si sadako hindi ba? sarap sabunutan. o kaya'y si lilia cuntapay na laging multo ang role (siya ang mumu sa shake, rattle and roll 4 episode nina kris aquino). siguro para mas nakakatakot ang drama? eh ang mga manananggal din at mangkukulam dapat magugulo ang buhok? masama bang magsuklay? makakabawas ba sa powers nila iyon? i bet matatakot pa rin ako kahit na pangshampoo commercial ang buhok ng white lady na makikita ko. i mean sa bagay mapapansin ko pa ba ang buhok hindi ba?
***
i miss blogging so much. so anong update naman sa buhay ko? yes. ganap na kapamilya na ako (almost). naghihintay na lang ako ng deployment ng show. wish me luck at yeah hindi sila nagkaila na impiyerno ang papasukin naming trabaho. well masokista ako paminsan eh. so see you in hell na lang. ;)
so tapusin na rin ito sa isa pang kuwento...
***
"tahan na, bunso"
11:46 pm
nakaupo ako sa paborito kong upuan.
11:50 pm
narinig ko na may nagtatangkang buksan ang pinto dahil maingay ang door knob. bumubukas na ang pinto. isang anino.
11:55 pm
humiga ang anino sa kama. napatalon ang puso ko. nagsisikip na ang aking dibdib.
12:00 mn
humihikbi ang anino. anong gagawin ko? kinakabahan ako. lalong nahihirapan akong huminga. narinig ko ang isang kalabog. parang natumbang upuan...
12:03 am
pakiramdam ko lumulutang ako. hindi na yata ako nakaupo sa aking paboritong upuan. ang anino nakatago sa kumot. humihikbi pa rin. nakalimutan ko na ang paghinga. dahil ba sa takot?
12:07 am
pagtingin ko. ang paborito kong upuan ay nasa isang gilid na. parang sinipa. pakiramdam ko lumulutang pa rin ako.
12:11 am
nagitla ako. ang anino ay sumilip. ang takot ay hindi mapinta sa kaniyang mga luhaang mata, "kuya... tama na..."
12:13 am
sa bintana, sa tabi ng natumbang upuan, sumasayaw ang mga kurtina sa malamig na hangin.
wow... it's definitely literature. kung hindi ako nagkakamali stacatto narration yung ganito. yung putol putol pero flowing yung thoughts :) galing.
ReplyDelete---
hahaha! oo nga noh? ang bagal nga nila pero kahit tumatakbo na yung mga biktima napapatay pa rin! hahaha! siguro preoccupied sila maxado sa pagsigaw hindi na nila nkikita yung dinadaanan nila. ayun lagi ding nadadapa! hahaha!
oo nga noh?! hahaha! wala silang fashion sense! hehe!
---
wow..kapamilya ka na...nabalitaan ko co-worker mo na si mrs.j. goodluck sa work.
---
your story creeped me out. WAAAAAA! lalo na yung part na sumilip yung anino! waaaaaa!!!
namiss ka rin namin...
ReplyDeleteanu ba yan, ang aga naman ng halloween special.. huhuhu!
alam mo ba na si lilia cuntapay ay inglesera daw sabi ni kuya gret? haha sushal diba?
ReplyDeleteGawa pa tayo ng mga ganitong stories, may pera dito jaymar! I know someone sa PSICOM :D
wow yun pala tawag dun ron haha. well salamat naman sa papuri. hehe.
ReplyDeleteoo lagi iyon, mabagal pero maaabutan pa rin. ay oo nga lagi rin silang nadadapa. haha.
aw thanks wanderer. its nice to be back. hehe.
ReplyDeletetalaga johnee? sige nga? pagkakitaan natin iyan. haha