Sunday, November 16, 2008

ako at si gawa-gawang nikko

ang sabi nga sa larawang nakuha ko, if love is blind how can there be love at first sight? haha. oo nga. bakit hindi? nako ha nagiging love series na ang blogs ko recently haha. anyway kasi naman nangyari lang ito kanina matapos kong manood ng walang kuwentang "walang kawala" sa gateway with my friends. nagpasya kasi akong magovernight sa bahay ng aking kaibigan dito sa marikina at ngayon ay inaabuso ko ang kanilang internet. hehe. ngunit sadyang sinumpa nga yata kami sa pagaabang sa cubao! aba 48 years and counting na kami roon pero hindi pa rin dumadaan ang fx na nais naming sakyan.

lumipas ang mga minuto...

ang mga segundo...

hanggang sa... spotted...

sa gitna ng kainipan at kaguluhan, tila may umusbong na isang adan sa akala kong naglalaho ng paraiso. ang kaniyang mga labi ay tila naghihintay ng aking mga nanabik na halik, ang mga pisngi na inaantabayanan ang aking mga gigil na kurot at ang mga mata na kaya kong titigan ng pauli-ulit. hay. heto na ba ang love at first sight mr. dj? hindi ko maalis ang aking mga titig at sa mga puntong iyon, wala na akong pakialam kung hindi na dumating ang fx.

haha. ang tamis hindi ba?

syempre sinabi ko iyon sa aking kaibigan. take note nagdasal ako na hindi na sana dumaan muna ang fx na sss at pinagdasal ko rin na sana doon siya sumakay. naroroon din kasi siya sa mga taong naghihintay ng masasakyan. pero aba aba sino itong babaeng eksenadora! naguusap na sila ha, jelous na me. haha. pero salamat kay ate at nailabas ni kuya ang kaniyang mga ngiti. oh shet nakakawet ay chos very uncatholic. hehe. grabe ibang klase ang mga ngiting iyon, siguradong magiging laman sila ng aking mga panaginiop! sabi nga nila masamang tumitig pero bakit ba? minsan lang ito. at ang masakit bakit gumawa ang diyos ng mga taong na ang kaya mo lang ay titigan at ni mahawakan man lang ay hindi mo magawa? huhu. hanggang doon na lang ba ako lagi? hanggang tingin. hanggang panakaw na kilig? hay sana nga hindi na matapos ang pag-aabang...

ngunit isang fx ang tatapos ng aking pagmumuni muni... masinag. masinag pala siya. sumakay sila ng babaeng nakadaupang palad niya. umalis ang fx. hay. hanggang doon na lang ba? ni hindi ko nga nalaman kung sino siya o kahit pangalan man lang?

sige, sa ngayon ang kaya ko na lang gawin ay bigyan ka ng pangalan, kahit yun man lang ilusyong na nagusap tayo at sinabi mo kunyari na nikko ang pangalan mo ay isang masayang gawa-gawang ala-ala na magpapakilig sa akin. ;)

4 comments:

  1. wag kang mag-alala, nawala man sa iyo si nikko, eh sigurado namang may adrian, christopher, andrew at zach na naghihintay pa rin para sa iyo. :-)

    ReplyDelete
  2. aw oo nga nurse ruff pero kung nakamamatay ang titig namatay na siya nung gabing iyon. haha.

    hihintayin ko sila wandering hehe.

    chalamat trixielle hihi

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...