Tuesday, November 11, 2008

sa aking pag-iisa

for 21 years nabuhay ako nang ako lang. minsang tumibok ang puso pero tinanggap na rin ang kapalarang ako lang ang nakaririnig ng pagtibok na iyon. lumipas ang panahon, ayun, alam ko na kasama ang mailap na pag-ibig sa aking mundong ginagalawan. tinanggap ko na. tahimik ang buhay ko. masaya ako. wala akong pakialam sa love life na iyan. sabi ko nabuhay ako ng 21 taon na ako lang. nakaya ko naman.

hanggang sa...


mapanood ko ang tila inosenteng pelikulang the love of siam, akala ko'y mapapabilang lang siya sa listahan ng mga paborito kong pelikula.

hindi pala. para siyang horror film na minumulto ako ngayon.

ginising niya ang tulog kong pananaw sa pagmamahal.

ang sakit sakit naman.
matapos ko siyang mapanood ako'y...


at higit sa lahat. feeling ko ang sakit sakit na mag-isa.

"
I was also wondering, is it possible that we can live our entire life without loving anyone at all? That’s my loneliness.” -Mew, The Love of Siam

ano bang kasalanan ko? pinanood ko lang siya ha? dahil ba hindi ako nagbayad ng sine at sa youtube lang kaya dapat akong saktan ng ganito? haha. now its sooo lonely to be alone. naliligaw ang isip ko ngayon kung kailan kaya ako iibig pang muli? ayoko na nga bang maging mag-isa? ang saklap naman na pinaniwala ko ang sarili ko na kaya ko pero matapos makanood ng isang pelikulang thai ay guguho na lahat ng iyon? it sucks. haha.

pero again, iisipin ko na lang na isa lang siyang pelikula. marami pang pelikula akong mapapanood o baka nga someday ay maisulat pa. lilipas din ang pagmumulto na ito. lilipas din ang kalungkutan ng pag-iisa. hindi naman kailangan ng boylet hindi ba? sabi nga ni tong kay mew sa huli, "i cannot be your boyfriend, but that doesnt mean that i dont love you." sobrang sakit pero andoon pa rin naman ang pagmamahal eh. title lang naman ang boyfriend at girlfriend hindi ba? title lang. hindi ko pa kailangan siguro ng titulo ngayon. sino nga ba naman ang magaahas na bigyan ako? magiging masaya rin ako...

kahit na ako'y mag-isa.



4 comments:

  1. ayoko ng linyang yun sa huli. Nakakainis naman. Nakit ba hindi pwede? Pwede naman talaga eh, ayaw lang nya! Oh well..

    ReplyDelete
  2. napanood ko tong love of siam..kaya yung OST nun tunog ng site ko eh...hays...

    i was moved...my heart broke for mew...

    i mean it's really painful to love someone, and be not with that someone, right?

    loved the musical score and the story as whole...

    i thought it was a gay movie but it's not. it talks about love in general that gives us life :)

    ReplyDelete
  3. awww, I feel for you. Patience lang.

    Diba nga feeling natin ito yung sumpa natin sa UBE. Most of us aren't so lucky in love? Eto ang presyo ng pagiging magaling. chos.

    pero seryoso, alam mo naman na pag dumating yung time na may minamahal ka na, sobrang magiging masaya kami for you :D

    ReplyDelete
  4. oo nga no luis choosy pa sila eh. haha

    i agree ron hindi siya uber gay film, its about luuurrrvvvv.

    aaaawwwww johnie oo nga. pwes magiging magaling na lang ako. haha. alam ko naman na magiging masaya kayo eh. ehehe. pero kaya ko pa namang mag-isa. ;)

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...