Tuesday, November 4, 2008

abnormalidad

ang biggest sign siguro ng pagiging bading ay ang desire na maging eba. ang kagustuhang magpalda imbis na magpantalon, ang pagkakaroon ng matris at maging ina kaysa magpatuli at magpaka ama.

paano kung hindi mo gustong maging babae pero ang puso mo ay para sa lalaki rin?

isang tanong na hindi na ako nahihirapang sagutin. siguro abnormal na bading ako. sa aking berdeng dugo hindi nanalaytay ang pagnanais na maging isang ganap na dalaga. wala ang malakas na kapangyarihang pagaasam na maging kalahi ni mother earth. okey na akong maging ganito. kung bibigyan ako ng pagkakataong mamili kung magiging habang buhay na bakla o babae, siguro mas pipiliin ko pa rin na maging ganito.

weird. mas gusto ko pa rin kasing makulong sa katawan ng lalaki. hindi ako babae. bakla nga ako. walang babaeng may nota at walang lalaking nagkakagusto sa kapwa lalaki. kahit ano rin naman gawin ko gustuhin ko man hinding-hindi ako magiging babae at mababa rin ang tsansang maging adan. nasa gitna ako at wala sa kanan o kaliwa.

lingid siguro sa kaalaman ng marami o mahirap mang maunawaan, masaya ako na ganito ako. syempre may mga drama sa buhay at juice ko, sinong hindi nasaktan sa mga diskriminasyon ng mismong kamag-anak? masakit ang buhay bading. mahirap ang ganitong buhay. pero masaya pa rin ako na ganito ko. ayaw ko yatang makaranas ng buwanang dalaw no? at ang pagbubuntis? hindi ko keri.

kaya nga siguro tinawag kaming gay. masaya sa wika natin. kaya rin siguro binansagan din kaming queer o kakaiba. iba ang tumatakbo sa aming isip. mahirap mang intindihin kung bakit nandito kami, may mga bagay talagang hindi na dapat intindihin pa. kapag pinipilit mong iniintindi, lalo mong hindi maiintindihan.

kailangan ko na bang magpatingin sa doctor? bakla po ako pero ayoko pong magkapepe.

17 comments:

  1. ayaw ko din
    I like my dick and the things I can do with it.

    ReplyDelete
  2. interesting post...

    masarap maging lalaki. pwede umihi kahit kelan. hehehe!

    naiilang ako sa mga bakla lalo na yung alam mo na...yung magagaslaw na umaastang babae. i have nothing against them. ilang lang ako talga. para kasi nila akong hinubaran sa tingin. hahaha!

    peace out!
    ---

    sobrang nakakabitin talaga. dapat next next week na yun eh. hays...

    ReplyDelete
  3. Masaya ako para sa'yo Jaymar kasi at least alam mo yung sarili mo.

    Kumabaga hindi mo ginugusto ang isang bagay na alam mong kailanman hindi naman pwedeng mangyari.

    At least bawas na yung mga problema mo sa buhay kasi kung iisipin mo pa na gusto mong maging babae or mag-iimagine ka na sana babae ka na lang..dagdag sa sakit ng ulo yun. haha

    pero, kanya-kanya yan eh. Di mo rin masisi ang iba. :D

    ayos ba? haha

    ReplyDelete
  4. naisip ko rin to before. Ako rin kung papapiliin ganito na lang ako, ayoko maging girl or boy. because siguro "we are so good we don't need to have a gender!!!" hahaha

    ReplyDelete
  5. WOW! Interesting post, I respect you alot.

    Actually you aren't alone, my bestfriend is gay (pinoy rin) kulang nalang talaga sa kanya magka pepe pero ayaw niya, gusto niya na mukha parin siyang lalake.

    ReplyDelete
  6. with this entry, hope marami pang nakakatuwa at nakakaantig na saloobin ang manggaling sana sa iyong aparador.

    mabuhay ka!maruja!

    link kita ha pwede? link mo din ako. salamat.


    chico
    www.kunejo.blogspot.com

    ReplyDelete
  7. hindi ka nag-iisa, marami tayo na ganiyan na gusto lalaki pa din sila tignan kahit gusto nila kapwa lalake....

    so hindi ito abnormalidad sa gay world. masyado tayong diverse para makulong sa isang notion kung ano dapat ang itsura at kilos ng bakla....iba iba tayo kaya masaya. so sa aking palagay, walang tama o mali concepto na pagiging bakla....kung ano ka ay yun na iyong tama para sa iyo, what other think, or how others feel or react to it has no bearing at all.... :-)

    ReplyDelete
  8. i'd still prefer to be str8 and normal though.. =(

    ReplyDelete
  9. You could visit my pictures at www.adamnick.tk or text me up at +639278424968

    I am male Asian escort. Looking for Client... Visit my picture site at
    www.adamnick. tk

    Hi,

    I am Sam/Adam from Cavite, Philippines. I am looking for good client.
    Visit my picture site at www.adamnick. tk

    My rate: Php2,000 (negotiable)

    You can make a schedule via online (www.adamnick. tk) or send me a
    message:

    Yahoo: samuel.ezekiel@ yahoo.com
    Call me: +639278424968
    US number: +14089161481

    Note: I am doing this for my studies. Please dont send message for
    criticism.

    Moderators, Please allow me to post my ad/message

    ReplyDelete
  10. oo nga naman luis masarap maglaro ng birdie... waaah bastoooos so uncatholic. haha.

    thanks ron yeah infairness may mga perks nga ang magiging macho...

    eh di pag nahuhubaran ka na, isuot mo ulit. hehe. hay. well some things are weird talaga no?

    ReplyDelete
  11. yeah. alam ko naman iyon johnee eh. respetuhan lang kumbaga. i mean its all about individuality. hindi ko masisi ang iba kung ano ang perspective nila sa buhay, kahit magkasalungat ang opinion dapat iggalang. well we are a free country anyway. ;)

    sinabi mo pa diosa! haha. this is our choice.

    ReplyDelete
  12. at least trixielle hindi lang ako ang abnormal. hehe.

    aw kunejo. sige ba. link kita. hehe. thanks thanks. dalaw ka lang ha? bibigyan kita ng susi sa aking aparador. hehe.

    ReplyDelete
  13. i agree canmaker! its the 21st century. marami ng bago at nagbago. iba na ang panahon ngayon. ;)

    good for you kasper well eventhough we are not straight , we are still normal. haha.

    ReplyDelete
  14. ahehehe! sobra! hindi nako magpapahaba ng buhok ulit :)

    ReplyDelete
  15. ndi naman lahat ng bading gusto maging babae at magkakepyas!..






    pero minsan, pag may kalaban kang bilat sa eksena, masasabi mo sa sarili mo na, "Sana babae na lang ako.. ;(

    ReplyDelete
  16. oo nga ron hehe.

    haha. i miss you na goddess.

    ReplyDelete
  17. Jaymar kamusta sa ibang comments. hahahaha. and yes! i'm a blogspot newbie ;-P

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...