Tuesday, December 9, 2008

overDOSe



posible kayang umibig sa dalawang tao kahit iisa lang ang puso? sa totoo lang hindi ko alam pero kapag oras na ako na ang nagmahal hihigitan ko ng dalawang beses ang pagmamahal ng nagmamahal sa akin. haha. naks.


napaka special ng number 2 no? sinasalamin kasi ito ng kailangan ng dalawa ang isa't-isa. kung baga 1 plus 1 is 2. hindi pwedeng 1 plus 1 is 1. tanga ako sa math pero alam ko naman na ang kakayahan ng dalawa.


two heads is better than one nga raw eh. kaya nga siguro may partners in crime din dahil hindi magagawa ng isa ang magagawa ng dalawa. pero paano ang sapawan ng dalawa haindi b nga one is enough, two is too much hindi ba? well not really hindi effective ang tandem kung walang bigayan.


kahit na competitive ako, minsan kailangan nating tanggapin na hindi lahat pwedeng maging number one. second honors is not bad. tutal hindi naman lahat ng valedictorian pumapasa sa up, ateneo, la salle at ust. ;) masaya ring tanggapin na wala ka pa sa sukdulan, enjoy yatang tahakin ang daan patungong number one.


ang secret of success wala sa isa. so share the secret na kailangan ng cooperation together. kaso kapag sinabi mo sa dalawang tao ang isang lihim kailangan mo pa raw patayin ang isa. iwas trayduran! pero may mga tao talagang madaldal at hindi mapigilan ang dila, hay do you think they deserve a second chance?


hay sabi nga sa isang chinese saying "good things come in pairs" so bongga hindi ba, "why choose one, if you can have both?" haha. mas mahal daw ang number 2 kaysa sa original well basta ako mahal ko ang 2, sa dos yata ako nagtratrabaho. haha.


masaya lang ako na nakabilang ako ng 135 posts. sa mga post na iyon na ibinahagi ko ang sarili sa ibang nagtiyatiyagang magbasa kakilala ko na, bagong kakilala man o kakakilala ko lang. sabi nga rin laging two-way process ang mga bagay. ang corny naman kung akong mag-isa lang ang nagpapakabaliw sa mga bagay-bagay hindi ba? syempre kasama ko ang mga taong dumadalaw at nagkulong dito sa aking aparador kaya nakabilang ako ng 24 months dito. salamat naman sa pakikibonding with me. ;)
nga pala this is my 136th post 1 plus 3 is 4 minus 6 is 2! oh di ba? haha. ipilit ba? haha. well today is an important day kaya ko inohohonor ang number two. aba once in a lifetime lang ito, happy second year anniversary sa aking aparador! hay. it was a fun-filled two years! i can't wait to spend more years pa sa aking aparador and many more skeletons to collect! huwag pa ring kalimutang dumalaw(a). ;)

2 comments:

  1. Pero may kasabihan din: You can't have the best of both worlds hihi. but anyway., pagdating sa buhay, yes 2 heads are better than 1. nakakapangulila pag antagal tagal mo nang single. haha. atleast for me. :')

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...