Friday, December 19, 2008

sa likod ng isang araw sa hulyo

naisipan naming pumunta ng mga kaibigan ko sa timog. nagtatalo kung magjijeep to magtataxi. matapos lakarin mula lacson hanggang españa, napagkasunduang sumakay ng taxi. sakto naman si manong na paliko mula sa p. noval, hudyat na nagwagi ang botong taxi kaysa jeep. dali-dali kaming apat sumakay si mrs. j, jaboom at muse sa isang taxi na kagaya rin lang ng mga humaharurot sa kalsada. puti, luma at nasusulat sa itim na letra... ngunit tila walang katulad si manong driver...

manong: anong bday mo?

tanong ni manong sa gulat na si muse. nagtataka sa kakatwang tanong ni manong.

manong: ang sungit mo. anong bday mo?

natawa si muse at napilitang ibigay na rin ang date ng kapanganakan.

manong: stick to one ka... matutupad ang iyong pangarap na magabroad...
sinabi pa ni manong ang mga kung anu-ano tila kilalang kilala na ang kausap nang dahil lang sa date of birth.

muse: natatawa. manong nasosobrahan kayo ng basa ng horoscope. pero alam niya na may tama si manong at hindi naman niya iyong pinagkaila.

jaboom: ako manong! sinabi ang birthday... sabay sabi ni manong kung ano ang hinuha sa kaniya. tumatangong sumasang ayon naman si jaboom.

ako: hindi naman masamang magtry hindi ba? manong ako july 28, 1987.

manong: alam mo lahat ng tao mahal mo. kapag nagagalit ka kasi galit galitan lang, lahat ng tao mahal mo. gulat ako. aba ganoon pala ako kabait. hehe. sa pagibig ang gulo-gulo ng isip mo. yung tatlo sa paligid mo stick to one iyan. pft. kaya ba single ako all this time? haha.

ako: infairness manong ha. ako makakapagabroad ba ako?

manong: silang tatlo matutupad ang pangarap magabroad. ikaw magdadalawang isip ka. ay susyal mabait na, nationalistic pa. infairness kay manong medyo wala akong pangarap maging ofw, maging traveler mana pa.

ako: o mrs. j ikaw! si ate tahimik lang. hindi talaga sinasabi ang bday. sabi tuloy ni manong ayaw mabuking. walang nagawa si mrs. j at talagang sinabi ko bday niya. sabi ni manong stick to one nga siya at sobrang magmahal.

napaisip ako noong gabing iyon. magulo nga ba ako pagdating sa pagibig? ewan ko sa totoo lang. haha. hay kung hobby magbasa ni manong ng horoscope o sadyang isang tauhan talaga siya sa isang fantaserye, kakaiba lang ang gabing iyon. hindi natin alam, baka totoo nga ang sinasabi ni manong o isa lamang siya sa mga daang daang bulaang propeta na hatid lang ay magpaasa sa isang taong masyadong nagtitiwala.

3 comments:

  1. Cool manong. parang yung cab driver sa if only. hehe

    ReplyDelete
  2. nakuha niyo ba ang plate number at taxi company. baka pwede kong itawag at irequest!

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...