Sunday, March 29, 2009

dear ate charo

dear ate charo,

matapos kong magtapos sa pinakamatandang unibersidad sa asya noong nakaraang taon (ay nako hindi ko na matatawag ang sarili kong fresh graduate... fresh na lang), dala ko ang aking malalaking pangarap at sinupot ko pa sa plastic ng SM para hindi matapon. binaon ko iyon habang naghahanap ng trabaho. umaalog alog pa ang aking mga dream habang kumakatok ako sa mga opisina, nagaasam na ako'y pagbuksan ng pinto. hanggang sa tinanggap ako ng katunggali niyong istasyon. pinagbuksan ako ng pinto at ako rin naman ang kusang lumabas dahil sa dikta ng dream. oo tita charo, maingay ang nasa supot, kumakawala at nagwawala! ang sabi ko nga sa kaniya, "sssshhhh huwag kang maingay!" pero hindi siya marunong tumahimik. aba nabibingi na ako kaya sinunod ko siya.

napadpad na ako sa inyong network, ang una kong programa nagkaproblema kaya kinailangan akong ibalik sa HR para malipat ng ibang show, syempre hindi ko pa rin binibiatawan ang aking pangarap. maingay pa rin siya. sa hindi inaasahang pagkakataon, gumawa siguro ang diyos ng paraan na mapunta ako sa inyong programa. nasakin pa rin ang aking pangarap na nagpupumiglas pa rin. hininihintay niya na siya'y makawala. sana mailabas niyo siya... sabi nga niya,, "psssst..." "psssst.." pero hindi sila mga engkanto tita charo. kaya huwag tayong magaalala. lalabas din siya, lalabas din siya.... hindi man now na pero alam ko lalabas din siya, sana mapalabas niyo siya.

nagmamahal,
kalansay



***
isa akong production assistant (PA) sa bago kong programa, nood na ng MMK tuwing sabado pagkatapos ng singing bee.

3 comments:

  1. wow! congratulations. fave ko yung MMK. mahanap ko nga yung name mo sa credits. pano ko naman kaya magagawa yun? hahahaha!

    ---
    masarap talaga! ahehe!

    ReplyDelete
  2. wow..kabahagi ka pala ng mmk! lagi akong nanunuod nun. magaganda kase ang stories dun

    kasama nyo pa ba dun si delfin ilaw?

    1st time ko po dito sa blog mo. galing ako sa blog ni ron.

    ReplyDelete
  3. naku ron wala pa yata ako sa credits. ;)

    naku tama ka blographics! naku hindi ko po kilala si delfin ilaw. baka pag tumagal po ay makilala ko siya.hihi.

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...