ing e tinuki, e taya abe... ing e tinuki, e taya abe.. (ang hindi sumama, hindi natin isasali) iyan na ang hudyat na magsisimula na kaming maglaro ng patintero o tambubong ng aking mga kalaro sa pampanga. habang paulit-ulit na chinachant ang mga salita kailangang sumunod ka na sa gumuguhit ng mga linya sa patintero gamit ang inyong mga paa. talaga namang isang masayang araw ang magaganap, may pikunan, harutan pero syempre mananaig ang kasiyahan. isa lang iyan sa mga nilalaro ko noong ako'y bata pa.isama pa ang marikos taba o putubong 123 na kung saan may dalawang team din, ang tayang team ang gagawin uubusin lang ang kalabang team na kung saan ang mga miyembro naman na nataya ay magiging "hostage" sa base ng tayang team. magkakapit-kapit kamay ang mga nataya at kapag natag sila ng kanilang team mate may chance na silang makalaya muli ngunit pag nahuli na ang lahat, sila naman ang taya at ang kabilang team naman ang magpapahabol. haggard itong laro na ito pero enjoy kasi pwede kang maging damsel in distress at hero at the same time. hehe.
syempre ang pamosong taguan at ang paboritong klase ng taguan (maraming klase ha like taguang sardinas, taguang lata, taguang tsinelas...) ay ang bang sak kung saan nilagyan ng twist ang laro kung saan ang taya ay may "baril" at babarilin (bang kalansay!) ang makikitang nagtatago samantalang ang mga nagtatago ay armado naman ng "panaksak" at maaaring maging bida sa oras na masaksak ang taya, kapag nasaksak kasi ang taya uulit na naman ang laro na siya ang taya! panalo hindi ba? larong pang action star. eh bakit ba? ako ang leading lady. chos. hehe.
sinong batang nobenta ang hindi naglaro ng pepsi cola? touch the color? chinese garter? jackstone? luksong tinik? tumbang preso? jumping rope? piko? at paniguradong kabisado pa ang kantang langit lupa, impiyerno, im-im-impyerno, saksak puso, tulo ang dugo, patay, buhay, alis ka na diyan! panalo! hay ang saya saya. sa totoo lang gusto kong laruin muli ang mga larong iyan. nagtatago na rin yata ang taguan, nasa base na lahat ng nagpuputubong, nanatili na lang sa shorts ang garter at nakisabay pa ang mga makabagong laro. nasaan na kaya ang mga taya? may sisigaw pa ba ng buro talangka? hindi pa huli ang lahat... hangga't buhay pa ang mga bata sa kailailaliman ng puso natin, kakandirit pa rin ang ating mga paa at tatakbo para hindi mataya... ano? game! maaalis taya!
the games we played as kids... sige gawa nga ako post about that...heheehe
ReplyDeletehindi pa ako nakakapaglaro ng chinese garter at piko! ahehehe!
ReplyDeleteyung marikos taba...uhmm...may isa pang tawag dun eh, hindi ko maalala.
tumbang preso paborito ko.
ang saya naman talgang maging bata. but we have to grow up, i guess :)
hindi na nwala sa isip ko kung ano yung tawag sa marikos jtaba na yun...hays...
---
ang dami ngang promising talents this year, and very diverse.
bukod kay matt, si anoop at danny ang ilan sa mga gusto kong manalo...
this reminded me of so many things in my childhood. at ngayon, nalungkot lang ako sa thought na halos wala na akong nakikitang batang baglalaro nito puro na sila nakaharap sa mga computers... tsktsk...
ReplyDeleteuy may kapampangan!!!
tagged you... enjoy
ReplyDeleteano ung pepsi cola? sori
ReplyDeletenaman luis batchoy nakakamiss talagang maglaro sa labas.
ReplyDeleteeh kasi naman kung barako ka pagtatawanan ka ng mga kaibigan mo kapag naglaro ka ng piko o chinese garter ron hehe. pero masaya. as in. marami pa ngang variations piko eh. like pikong palda, pikong german at ang normal na piko etc. hehe. er i dont like anoop.
yep kapampangan ako wandering! kapampangan ka rin? ;) at oo sad na mga techie na ang mga bagets ngayon. wala ng alam sa mga larong kalye!
ReplyDeleteano ba yan kuya cj wala ka bang childhood?! joke. haha. iyon yung laro na habang nakatalikod ka sasabihin mo pepsi cola... tas pag haharap ka seven up! tas dapat magfreeze ang mga kalaro mo, pag may gumalaw taya na siya at kapag tinouch ka nila habang nakatalikod hahabulin mo na sila bago pa makarating sila sa base. hehe.
ATTENTION TO ALL PINOY BLOGGERS: The 'Puerto Princesa Subterranean River National Park' needs our help. With the power of writing vested in you, spread the word to the rest of the world. By doing this, WE CAN MAKE A DIFFERENCE.
ReplyDelete--- :|.poOt!