Sunday, June 14, 2009

13 minutes

ganito ang pakiramdam ng time pressure. 13 minutes na lang natitira sa aking computer rental. shet. ano pa ang masasabi ko sa nalalabing minuto? alam ko maraming nasasabi sa isang minuto lang. sabagay sex nga napagkakasya sa eleven minutes eh, blogging pa kaya?

instant! uso iyan ngayon kaya heto magkakaroon ako ng instant post. may saysay man o wala. may nagpayo sa akin na huwag daw akong magmadali... kaso imagine life kung 13 minutes lang ang haba nito... paano ko maeenjoy ang buhay? may nagsabi naman sa akin na act now and pursue your happiness. mas okey. act now. bago matapos ang orasan at maubos ang sand sa sand wacth.

gumawa na nga ako ng hakbang. nagmamadali ba ako kung gusto ko ng matupad ang pangarap ko now na? kung hindi ngayon gagawa ng paraan, kailan? bukas? samakalawa? matapos ang 13 minuto? tayo raw ang gumagawa ng ating tadhana... sinusubukan kong gumawa ngayon. sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking decision na aking tinatahak... hindi pa rin ako sigurado kung liligaya ako sa mga pininipili kong daan. ang alam ko gumagawa ako ng sarili kong ruta patungong quiapo... natatakot ako kasi parang naliligaw yata ako. nangangapa sa tamang daan... pero ano pa mang mangyari sisiguraduhin kong makararating ako sa tamang daan.

lakas ng loob at pagririsk lang ang aking baon sa sinuong kong mundo. bukas maaaring magbago ang lahat. hindi ko pa nga lang tiyak kung sa ikabubuti ko ba o sa ikasasama...

5 comments:

  1. hindi rin naman an sa lahat ng pagkkataon eh minamadali ang mga desisyon...
    kung anu man yun... pag-isipan mabuti.. hayaang lumagpas ang 13 minuto... pwera na lamang kugn alam mong nakatakda kang mamatay matapos ang 13 minuto diba?

    ReplyDelete
  2. naging matagumpay naman ang iyong quickie entry! hahaha

    ReplyDelete
  3. lagi mo isipin ikabubuti mo yan para bongga

    btw, i moved my blog na, pa update naman yung link

    thanks

    woof!

    ReplyDelete
  4. miss you too cj!

    seize the moment yanah! haha

    infairness wandering!

    sige babaguhin ko bryan!

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...