
isa akong peaceful na tao. well kung madadaan naman sa mabuting usapan bakit hindi na lang pag-usapan? too bad hindi lahat ng bagay nadadaan sa mabuting usapan lalo na kung ang mga taong ito ang makakasalamuha mo. ang sarap saktan! nakapanggigil ika nga. kaya naman kung hindi madaan sa santong dasalan daanin sa santong paspasan. nakugustong-gusto ko talagang ilabas ang aking hidden violence at mapapachoose your weapon of choice talaga ako kapag nakakasalamuha ko ang mga taong ito! promise... i'll be gentle.
- reklamo ng reklamo sa gobyerno pero wala namang ginagawa para makatulong!
nakakainis din itey! excuse talaga sa pagmamaasim pero kung walang "k" magrally diyan eh ang ginawa lang naman ay maganak ng maganak tapos iiyak iyak pa kunyari na hindi tinutulungan chu chu... hay ateng please lang tama na ang drama. it is not so coool. batukan na iyan ng matauhan! - ayaw umaming bakla siya pero mas malandi pa sayo at kung makakembot parang walang bukas!
sarap kurutin sa singit hindi ba? effem lang daw siya. hindi nga siya bading pero talaga naman amoy na amoy at nanunuot na talaga ang dugong berde sa kaniya pero no abot langit ang in denial. sabunutan na nga lang. - deadma si ateng o kuya, nagtutulugtulugan sa jeep samantalang at the top of my lungs na ang drama sa pagsigaw ng "makikiabot po ng bayad!"
ay bastusan na ito. eh kung totoohanin na kaya niya ang kaniyang pagtulog panghabang buhay! nakakaloka ang mga taong ganito. minsan mas makapal ang face, buong puso talaga ang pagdeadma! aba kapansin pansin naman ang iyong bayad at nagpapacute na kamay but tila walang makita si ateng o kuya. tsk tsk... sarap gripuhan! (haha pangtambay lang ang expression ha.haha) - bagsak ka sa subject at ang masakit hindi naman magaling magturo si prof!
may prof kaming ganito noong kolehiyo actually hindi ako ang naging biktima niya kundi ang isang lower year sa akin. nakakaloka kasi itong si titser feeling best teacher yata siya aba kung mangbagsak akala mo naman, wala kaya kaming natutunan sa kaniya ever. nakakapikon kapag iniimagine siguro nung student na yun na of all the terror profs na nalagpasan niya sa isang feelingerang prof lang pala siya magkakasingko. too bad! - si boss na sinabuhay na ang kuwento ni dr. jekyl and mr. hyde.
napakabait ngayon pero evil takes its human form later! isa ba itong split personality disorder? magugulat ka na lang kanikanina lang ang bait sayo pero wait mamaya naman ay ikaw na yata ang pinakawalang kwentang tao sa mundo sa kaniyang paningin... kawawa naman ang aking friend... hay ateng ipayo mo sa kaniya magpatingin na sa doktor. chos. - batang yagit na namamalimos na kapag hindi mo binigyan ay: a. duduraan ka b. mumurahin ka c. sasabihan ng masasamang salita or d. all of the above.
naku pagsakay ko one time ng jeep may isang yagit na nagbigay ng sobre (yes desobre na sila ngayon) kadalasan hindi naman ako nagbibigay talaga aba naexperience ko ang letter c. kung anek anek na ang sinabi kulang na lang isumpa niya ako. teka siya na nga lang nanghihingi siya pa ang nagmamaasim! well this same yagit naman may dinuraan na pasahero ng hindi siya bigyan. tsk tsk. ikasa na ang baril... - ang artistang bida bidahan pero kontrabida pala sa tunay na buhay!
dahil sa nagtratrabaho nga ako sa showbiz world naririnig ko rin ang mga alingasngas patungkol sa mga stars. naloloka ako sa ibang artista, kung anong bait nila sa mga role sa tv o pelikula napakasama naman pala nila sa tunay na buhay! sakit sa ulo. pugutan na iyan. haha paviolent ng paviolent... - kaibigang laging sinasabi na busy siya pero ang gimik photos nasa multiply o facebook nagsusumigaw!
hindi mo na siya maaaya sa inyong mga bonding sessions hanggang sa mapagod ka na sa kakaaya... magugulat ka na lang pagnagcheck ka ng iyong social networking site... voila! busy nga si friend - sa kakagimik with his or her other friends. sakit sa bangs hindi ba? naku beware baka ikaw pa masabihang hindi gumagawa ng effort. haha well sabi nga sa kasabihan kung gusto may paraan kung ayaw maraming dahilan. bow. - matandang inaway ka kasi bastos ka raw ng sagutin mo siya dahil binastos ka niya.
naniniwala ako na ang respeto ay hindi lang simpleng mas matanda ka dapat kang respetuhin. though tinuro iyon sa akin ng aking magulang pero sa tuwng may matandang nagmamaasim aba hindi lang kayo ang dapat respetuhin ako rin dahil tao rin ako may puso't damdamin din... *insert sad music* susyal. haha. naku nagiinit ang ulo ko sa argument na ito. - ang taong umagaw sa pinapangarap mong guy o girl ay sadyang mas biniyayaan o mas minalas sayo.
masakit kapag nakita mo ang taong pinakaaasam mo na ang kapiling ay mas maganda o gwapo pa sa iyo pero wala ng sasakit pa kapag pinagpalit ka o nakita mong mas swangit pa sa yo ang kapiling nito. aba kung nasasaktan ka saktan na rin iyan! bwahaha. - indecisive si friend na kinakasira lagi ng plans niyo.
hay i hate it talaga kapag si friend ay nagkakaganito. hindi mo malaman minsan gusto mo na lang siyang saktan. sabi sasama tapos sa last minute hindi na. sasabihin ito ang gusto pero mamaya iba na. sakit sa bangs. - taong pinaasa ka lang sa wala.
ito ang hatest ko sa lahat kasi ayoko talaga ang feeling na umaasa ako tapos any moment matitibag ang kaisaisang pagasang iyon. napakasaklap kaya. nakakaiyak sa galit gusto ko ng magamok at mamaril... massacre ang drama! hindi bat nakakapikon naman talaga ang umasa ka sa wala? torturin na yan! haha - taong kinuwentuhan mo ng bongg at ang tanging reply? "wala akong pakialam."
isa pa ito! madaling maginit ang aking dugo. nakakaloka naman talaga kasi hindi ba? with full emotions pa ang pagkukuwento mo tapos sasabihan ka ng wa siya care? ouch! parang nagsayang ka ng laway hindi ba at parang sinasabi niyang wala rin siyang paki sa yo as a person. haha. kaya naman ipalapa na iyan sa aso.
indi po ako nananakit
ReplyDeletetotoo yang about prof kainis yan! theres this prof I had na wala akong absent ni isang meeting, eh mali mali naman grammar! at mas madalas pa syang absent sakin, kung pwede lang magdrop ng professor haha!! grr, anyway bagsak ako sa kanya. :D
ReplyDelete"kaibigang laging sinasabi na busy siya pero ang gimik photos nasa multiply o facebook nagsusumigaw!"
--dami ko na experience na ganyan, and GUILTY as charged din ako! pero minsan kasi kung san mas convenient dun ka eh, mas madalas mong kasama sa work or school yun ang makakasama mo sa gimikan.
"taong pinaasa ka lang sa wala."
--major bad trip to ansarap ilibing ng buhay!
ako rin batang yagit mabait ako eh. hehe
ReplyDeletesinabi mo pa homer hehe
i remember one instance when i was with my friend inside his car and open yung window. me batang yagit na nanghihingi ng limos. di binigyan ng friend ko kasi me hawak2x pang rugby yung bata at ayun! sapul, dinuraan nya yung friend ko at dahil kakalagok lang ng 3 starbucks ninerbyos yung ineng.
ReplyDeletei was laughing out loud with how he reacted but really that was not nice.
napadaan lang
ReplyDeletekorek itong mga sinabi mo sa post mo maraming ganyan.
hay buhay no? hehe
ReplyDeletesaktan na yang mga yan!
ReplyDeletengayon na