- to fix date disasters
- to listen about love rants
- watch movies with kapag hindi available ang gf/bf
- hingaan ng sama ng loob kapag nag-away kayo ng karelasyon
- kashare ng kilig
- bridge sa gustong ligawan
- tagakuha ng number kapag type
- critic kung okey ba ang kadate
hindi naman ako nagrereklamo. it's nice to save your friend kapag nasa date disaster (even though babalik din naman pala ang kadate at in the end ikaw pa rin naman mag-isa dahil mukhang tanga naman kung magiging third wheel ka..) or cute makinig sa love rants at love struck moments ng iyong friend (eventhough kaya mo ng isummarize lahat ng iyon or gawan ng book report dahil halos ten times na pala niyang nasheshare... well generous share ng share. hehe) at weird nga lang kapag ikaw ang tagakuha ng number ng bet niya (kahit na ang kukuhanan mo ay titigan ka ng masama kasi straight guy siya eh bet ng friend mong girl)...
ang topic na love life ang pinakataboo sa aking topic paminsan. kapag tinatanong ako kung bakit ako nbsb (no bf since birth) ang sagot ko ay dahil career woman ako. chos. haha. kidding aside, yap yun ang sinasagot ko. career muna... o pangarap muna pero hindi ko naman sinasara ang aking pinto, kapag dumating eh di perfect. pero kailan nga ba darating?
...
2 unrequited loves, hundred crushes, too many to mention fantasies...
so much for fairy tales.
....
i therefore conclude that being single is still fun.
sana pinangalanan mo nalang : ang post na ito ay para kay misizj!
ReplyDeletetse!
it is not always about you no. haha
ReplyDelete