
spotted! kalansay playing shoot that ball with the varsity players...
one time nangamusta ang isa kong friend noong high school na matagal ko ng hindi nakakatext ever. isa siya sa mga kaclose ko nung high school naghiwalay na nga lang kami ng section though noong second year at hindi man siya bahagi ng aking elite hs barkada circle isa naman siya sa mga talagang naging kaibigan ko ng tunay... anyway back to the story, heto ang nangyaring kumustahan..
long lost friend: balita ko nakikipagsex ka na sa mga lalaki riyan sa manila ha?
ako: wtf? sinong may sabi niyan?
long lost friend: kiniwento sa amin ni *isa pang close hs friend* ni *pariwarang bata nag-aala gossip girl* na chinika raw ni *kabahagi ng aking elite hs barkada*! at pati raw varsity ng school niyo ha natikman mo raw! ang taray mo ateng!
ako: hala. kumusta naman iyan. haha. sabihin mo kay *pariwarang bata nag-aala gossip girl* ay huwag siyang gumawa ng kuwento! haha.
hindi na iyan ang eksaktong conversation pero parang ganiyan na rin. naloka ako na baka nagspread like wildfire pa iyon sa ibang batchmates namin. sana hindi gullible ang mga taong makakarinig. hindi ko naman kinaya ang aking promiscous image di ba? tama ba ang spelling? malandi image na nga lang. haha. nadungisan ang aking wholesome ala kim chui image... so there...
spotted! kalansay, the long lost kapuso star
alas singko na ng umaga ako halos nakakatulog, nasira na kasi ang aking body clock simula noong nagtrabaho ako sa telebisyon. so ayun, nakikipagtext pa ako sa aking kaibigan at halos magaalas singko na ng umaga noon, tinulugan na nga ako ni friend eh. kaloka. so habang naghihintay ako ng reply at naghihintay na rin ng tulog binulabog ako ng intro ng kapag tumibok ang puso, aking ring tone...
ako: hello? sino ito?
caller: taga GMA ka raw po?
ako: huh? hindi eh.
*awkward moment*
caller: okey sorry po.
so there akala ko papatahimikin na ako aba ayaw paawat! tumawag ulit! dyaran dyaran dyadyaraaan... wooowooohooo!
ako: hello?!
caller: tagaGMA po kayo?
ako: hindi nga! wala na ako run...
caller: eh sino po kayo?
ako: malay ko sayo.
caller: sabi po kasi ng nagbigay ng number niyo sa akin artista po kayo sa GMA...
ako: hindi.
caller: okey po. good night po ulit. bye po.
ngar. artista? haha. alam kong star material ako pero hello? chos. haha. nakakaloka. ayaw ni ondoy niyan at ni pepeng. natatawa tawa na lang ako bago matulog hindi ko naman kinaya si ateng kung lalaki siya baka magpanggap pa ako. haha. howell baka datnan na ako ni pepeng aka parma... so..
xoxo,
kalansay
hahaha..
ReplyDeletetga GMA ka ho ba?
ang ganda naman ni friend..
hindi. nag ober da bakod na ako eye_spy! naku ewan ko ba kay ate kung anong pinagsasabi niya... haha.
ReplyDeletehahaha funny yung sa caller about GMA. lols.
ReplyDeleteweird talaga metamorphosis!
ReplyDelete