
ash wednesday nang makilala ko sina loverboy rex, andrei, zanjoe at heartthrob rob. lahat sila magaling gumiling. magaling sumayaw. maganda ang pangangatawan na papasang bold star noong 90s at mukhang pwede mo namang ipakilala sa nanay mo bilang boy friend.
lahat sila nakita ko sa isang entablado ng isang gay bar sa timog. iyon ang aking pers taym. hehe. unang pagkakataong makapasok sa ganoong lugar na libre ng aking boss. makakatulong daw iyon sa aking creative growth. hehe. honestly nagaalangan akong pumasok sa mga gay bars kasi feeling ko any moment mareraid ito ng xxx o imbestigador or worst ng bitag. hehe. and what a way to celebrate ash wednesday. aba hindi ako naabuhan sa noo kahapon ha. hehe masamang katoliko. maiba lang. it was a fun fun experience!
anyway 3 kaming bading na magkakasama, ako lang 'virgin' sa pagasok sa gay bar the rest straight male at female na katrabaho namin. pinaupo ako sa tapat ng stage. literal na kaya ko nang makipagsayaw sa macho dancer sa sobrang lapit. kinakabahan ako. haha. sa una, ilang na ilang ako sa taong nagsasayaw sa harapan ko,hindi ko siya matignan ng diretso. aba syempre hanggang sa masanay na at makatingin na ako sa gumigiling na lalaki na almost naked sa aking harapan.
funny. kung paano sumayaw ang mga macho dancer sa pelikula ganoon din nga ang pagsayaw nila sa totoong buhay. walang pinagkaiba ang mga makantong step at malaswang hagod. funny. may mga production numbers din ala contestants sa showtime. winner. at syempre sa paglalim ng gabi mas titindi ang show...
isang macho dancer ang nagpakita ng kaniyang matigas na ari.(ari talaga? para sushal sex organ) haha. shock ako! haha. kaloka. aba nakatingin siya sa akin, umiwas ako agad shet baka madama niyang perstaym ko at lumapit siya. mababastos ako nun pag nagkataon. haha. AT BOOOOOG! lumapit nga siya, pinagtawanan ako ng mga kasama ko. hindi ako tumingin. hehe. kabog. isa na nga akong ganap na ateng bilang nakapunta na ako sa gay bar. wehehe
well sa loob ng gay bar nandoon mga sari-saring tao: matatandang bading, mga babaeng hanap ay kakaibang trip at ang pinaka winner na audience? isang babae, malinaw pa sa mga naglalarong ilaw ng gay bar ang abong krus sa kaniyang noo, at least nagsimba muna bago magkasala hindi ba? hehe
panalo naman si ateh! nagsimba muna! LOL
ReplyDeleteoo nga. kasi luluhod din pala siya. hehe
ReplyDelete