
22 valentines. 22 february 14s na ang nagdaan. for 22 years ang valentines sa akin ay isa lang mere date at walang kadate. isang araw kung saan gumagawa kami noong grade school ng mga cards gamit ang aming crayola at art papers at bumibili ng flowers para ibigay sa aming mga magulang o teacher. isang araw kung saan pwedeng pagkakitaan noong high school para sa project namin sa student council, mangharana, magbenta ng bulaklak, gumawa ng booth. then noong college, isang araw kung saan tumutulong para maging masaya ang valentines ng iba. for 22 years. for 22 long years. february 14 is just a day. at for 22 years wala naman akong sinsabihan ng i love you(except sa mga friends ko, duh. hehe)... but im happy.
nasanay na ako. hehe. isa ako sa mga milyong milyong nbsb (no boypren since birth) na naglipana sa bawat sulok ng pilipinas. for 22 years nasanay na akong makinig ng mga kaniya kaniyang love stories tuwing valentines at walang planong kung ano mang date sa isang special someone. kaso dahil nga balentayms,for 22 years, aba maraming nagtatanong sa akin tuloy...
sino kadate mo? sino kasama mo sa valentines? bakit wala ka pang boyfriend? kumusta lovelife?
ang hirap sumagot honestly. madalas magtanong niyan mga kamag-anak ko. siguro hinuhuli nila ako kung bading ako or what (hello hindi ba halata?) kaya minsan gusto kong sabihin, "naku hintayin niyo po ang lalaking magmamahal sakin." or "walang gwapo sa mga manliligaw ko e." siguro priceless ang makukuha kong reaction nun. hehe.
howell ano pa nga ba? e di uusad ang mundo. magpapatuloy ito sa pag-ikot... siguro balang araw darating din naman ang taong magpapatigil nito.
***
butit chinese new year yesterday, may excuse ang mga bitter para magcelebrate. hehe
***
pwede itong subaybayan. maiba lang ang reading habit. hehe.
minsan mas maganda na yung hidni mo na experience para hindi mo hanap hanapin... hehehe
ReplyDeleteits a worldwide phenomenon! Alam mo na yun! hehehehe
ReplyDeletekalansaycollector,
ReplyDeletewho knows? maybe by the 23rd time, you hit the jackpot. =)
talaga wandering? katakot parang sumpa. haha
ReplyDeletenaman luis worldwide invasion ang drama. haha
kane why not? hehe