Monday, March 29, 2010
ilan ang iyong mukha?
naniniwala ako na lahat tayo, schizo. though may dominant personality na naghahari, may mga taong nakatago pa rin sa ating kaloob-looban na hinuhugot lang natin ng madalian lalo na kapag kailangan. ako, it's handy. nandiyan lang sila nakatago, de-switch. de-susi. nandiyan lang kapag kailangan ng gamitin.sino-sino nga ba ang mga nagtatago sa loob ko? handa ko bang himayin ang piraso ng aking pagkatao?
the virgin
siya ang katauhan kong mas kilala. ang pinakanakikita ng mga tao. ang santo. ang birhen. mabuti. ang pasweet. ito ang taong kimi, tila madaling kayan-kayanin. the push over. kaya niyang ipakita ang kahinaan at handang umiyak kahit sa harapan ng maraming tao. pasensiyoso, nakikinig at magalang. madalas ito ang paningin ng aking mga kamag-anak. ang mabuting anak na nagtapos ng pag-aaral, nagtratrabaho sa isang magandang kumpanya, hindi na masyadong nakasandal sa magulang.
madalas ding masilip ito ng mga kaibigan o bagong kakilala. ang tahimik. pasensiyoso at marunong makinig. nandiyan kapag kailangan mo. masayahin. magiliw at palatawa. handang damayan ka sa oras man na dapat kang damayan o hindi. ang taong laging umiintindi sa iyo at tumatanggap ng buong-buo mong pagkatao masama man o mabuti. pero hindi lang siya ang katauhan ko. dahil may ilan pang nagkukubli...
the loner
may trust issues. sobrang malihim. hirap magtiwala sa iba. gustong mapag-isa. nagiisip. hindi gusto ang maraming tao. gusto ng tahimik at ayaw ng kausap. mahilig maglakad-lakad at magmuni-muni. magprocess. maganalyze. gustong alamin ang lahat. weirdo. masayang magpaka-loner. walang pakialaman sa mundo.
marahil ito ang unang nakikita o napapakita ko sa mga taong bagong kilala sa akin.nageenjoy din ako sa ganitong mode. namimiss ko ang tahimik na mundo. ito ang tahimik na ako.
the bitch
impatient. madaling mabugnot. pagtataray o sarcasm lang ang hobby na isagot. nanlilibak ng palihim. kunyari nice sa kausap pero nagiisip na pala ng masama. sa bahay minsan nakikita ito. actually defense mechanism para maiwasang pagusapan ang mga taboo topic like my sexuality. haha. at actually nabuo lang siya dahil sa mga pinagdaanan ko sa buhay. minsan hindi pwedeng puro oo na lang ng oo, minsan kailangan ding humindi at ipaglaban kung ano ang dapat. outspoken at taklesa. walang takot. daredevil at game sa lahat ng bagay. walang pakialam. mahilig dumedma.super competitive at ayaw na ayaw na nagpapatalo.
masaya naman. naproprotektahan ko minsan ang sarili ko. hay may mga kasamaan din pala ako sa katawan. haha. lumalaban. at ang huli, ang taong hindi ko binuo pero nabuo ng iba...
the masked
ginawa lang na tauhan. facade. pero hindi ko rin kilala. napapatanong ako minsan, ako nga ba ito? mas dare devil. nag-iiba ng pangalan. nag-iiba ng alaala. nag-iiba ng lahat. hindi ko na siya halos kilala dahil katiting na ako na lang ang natitira. mapagkunwari.
actually, ito ang katauhang ginawa ng mga kamag-anak ko sa akin o sa paningin ng pamilya ko sa akin. minsan kasi ginagawan nila ako ng katauhang parang hindi naman ako. mahilig daw sa ganito eh hate ko nga yung food na iyon, hindi raw ako mahilig sa ganiyan pero ikamamatay ko pag wala yun. hindi ko alam, hindi na nga rin nila yata ako kilala.o baka hindi ako nagpapakilala.
pero minsan ako na lang ang gumagawa sa kaniya. para protektahan din ang sarili. protektahan ang ako. gumagawa ng pagkataong malayo na sa nahulma ko ng katauhan.
***
ibang iba talaga. hindi lang isa ang taong nagtatago diyan. naniniwala ako na ibang tao tayo kapag kaharap natin ang kapamilya natin, ang kaibigan, ang kaaway o ang estranghero. may kani-kaniyang personalidad na nagkukubli lang. ingat lang dahil ang mahalaga, gamay at nakokontrol natin sila at hindi tayo ang kanilang pinapatakbo at ginagawang de baterya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
guess who's back?
ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in. birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
manananggal sa bintana mahina ang hum ng tv habang sinasabayan ito ng mga kokak ng mga palaka sa tag-ulan. malalim na ang gabi at naluluno...





This comment has been removed by the author.
ReplyDeletefeeling ko lahat tayo default ang ganitong mga personality. its just a matter sino ang hinahayaan nating magdominate. teka, wala ka ba yung medyo positive namna?
ReplyDeleteoo nga wandering hehe. yung positive? given nang meron yun. joke. hehe.
ReplyDeletewe all have mutlifaceted personalities...i'm often the bitch because it's a rough world out there, you need a strong armor
ReplyDeletesalamat s pag daan. andami mo namang mukha. happy easter!
ReplyDeletei agree redinkedvodka its a tough tough world out there.
ReplyDeletepasensiya naman luis b hahaha.