biyernes santo, namatay si kristo pero yun ang nakatakdang araw para lumuwas ako ng probinsiya.
tama ang tantiya ko, naisip ng mga tao na lumuwas ng maaga.
sabi nga sa kanta ni mandy, "i'll always remember, it was late afternoon, it lasted forever and ended so soon." kaso hindi iyon afternoon pero early evening. kakababa ko palang sa bus na galing ng quezon city at sinasalubong na ako ng alikabok ng lahar at ng pamilyar na simoy ng hangin. panaka-nakang tagalog na lang ang maririnig dahil umiindayog ang mga salitang kapampangan...
sa tawiran nakikita ko ng napupuno na ng mga taong naghihintay ng jeep ang waiting shed. magaalas otso na ng gabi. sabi ng nanay ko hanggang alas otso ng gabi ang biyahe ng mga jeep doon. nagmadali akong tumawid. umaasang may mapaparang jeep.
lumipas ang mahahabang segundo, mga minutong hindi matapos-tapos hanggang sa may mapansin din akong naghihintay. isang cute na lalaki ang naghihintay! naisip ko, sana parehas kami ng jeep na sasakyan. kung ganito ba ang paghihintay ng matagal, eh maghihintay na lang ako kasama ang cute guy. maayos manamit, cute at mukhang aral. hehe.
hesitant akong lumapit. nahihiya ako. baka sabihin biyernes santong biyernes santo, lumalandi ako. so nakiramdam ako.may isang ale na kumausap sa kaniya, magtricycle na lang daw dahil wala ng jeep at magsabay sabay na raw sila bilang mahal ang singil. ayan may conversation na akong mabubuksan.
lumapit ako. wishing na same jeep ang hinihintay namin, tama. parehas. hehe. so si ale nagmatch maker, "kung parehas kayo ng pupuntahan, maghati na lang kayo sa tricycle." ngumiti lang ako. tumingin kay kuya and told him, "kung magtratryk ka pasabay ako ha?" tumango siya, "sige kuya." okey tinawag niya akong kuya. haha.
lumipas muli ang ilang minuto. nagnanakaw ako ng tingin sa kaniya. cute na bata. hay. siya yung tipong hindi ka magsasawang tignan. hanggang sa dapat sasakay na kami ng tryk pero sakto ang dating ng jeep. but ang catch hindi ito tutuloy sa dapat naming puntahan kaya ang usapan magtratryk pa rin kami ng sabay. yikeee. in fairness tumupad sa usapan... hindi siya sasakay hanggat hindi ako nakikita o tinatawag man lang. nakikita ko talagang hinahanap niya ako sa mga pasaherong nagmamadaling makasakay.
kasama namin yung ale kanina. ang cute guy ang nag-aabot ng pamasahe ko and all. nakatingin lang ako halos sa kaniya at iiwas kapag mahuhuli. hehe. hanggang sa tumigil ang jeep. pagtingin ko sa labas may prusisyon, pinapasok na sa simbahan ang mga santo. madilim ang jeep. maingay sa labas. isang tao lang ang tinitignan ko.
binasag ng ale ang pagmumuni-muni ko ng biglang nanghiram siya ng cellphone sa lalaki. nagtama ang aming tinggin at natawa kami. haha.nagkaroon kami ng moment. patuloy pa rin ang prusisyon sa labas.mainit sa jeep. lumabas siya para magyosi, nakasunod pa rin ang mga mata ko... nahuhuli niya paminsan. deadma na.
walang humpay kong tinetext ang mga kaibigan ko. nagtetext din siya. tinetext din kaya niya mga kaibigan niya about it? haha. asa pa ako. tila tumigil ang oras, hinihiling ko noon na sana hindi matapos ang prusisyon. manatili na kami sa jeep na iyon habang buhay... umusad ang mga santo, umandar ang makina, tinapos ang daydream ko.
bumaba kami ng jeep. muli niya akong tinawag pero this time, 'tol.' i kinda cringe, habang naglalakad siya patungo sa pila ng tricycle, binubulong ko sa kaniyang likod ang isang movie line, "ako na lang... ako na lang.." haha.
siksikan ang aming mga katawan sa tryk. mauuna siyang bababa sa akin. ang bango niya.tahimik ang biyahe bukod sa ingay ng motor. kita sa ilaw nito ang alikabok ng daan. pakiramdam ko natanggap ko ang one year supply ng polbo sa isang gabi dahil sa dust and all. nakatingin lang ako sa kaniya.
suddenly, isang boses ang narinig kong nagsalita, ang driver?! syempre hindi! si kuya! siya ang nag-open ng conversation. kinilig ako. haha.tagasaan daw ba ako... hanggang sa nagpakilala na siya ng name...
siya: ako si rudiger...
ako: ano yun apelyido mo?
siya: pangalan.
nangiti siya. hanggang sa nalaman ko na magaaral siya sa angeles. kukuha ng engineering at psychology as second course. balak niyang pumunta ng canada bilang andun tatay niya. kakagraduate lang pala niya ng high school. ngar uber bagets. hehe. kilala niya pinsan ko. kaya pala hindi niya ako masyadong nakikita sa area kasi hindi raw ako taga-roon. hinihiling ko na sana hindi na matapos ang tryk ride na yun. feeling ko isang unrequited love story na isang indie film na bound to tragic end. it will remain to be unrequited hanggang sa matapos ang pelikula... sana naging commercial film na lang ito, para siguradong happy ending.
tumigil ang tryk. bumaba siya. dreadful. nagpaalam, tinapik ako sa balikat. natapos ang gabing hiniling kong sana'y humaba pa... pero kagaya nga ng mga hiniling ko, hindi ito matutupad. marahil sa biyernes santo, patay si kristo, walang nakikinig sa mga dasal ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
guess who's back?
ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in. birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
manananggal sa bintana mahina ang hum ng tv habang sinasabayan ito ng mga kokak ng mga palaka sa tag-ulan. malalim na ang gabi at naluluno...
awwwwww!sayang sana naman kasi kinuha mo na number nya!
ReplyDeletebagets na bagets ateng. haha baka hindi ko makaya. makulong ako ng statutory rape. haha
ReplyDeleteLOVE THE LAST LINE...
ReplyDeletesalamat luis. :)
ReplyDelete