Tuesday, April 27, 2010

lets do the chacha

hindi ito political post dahil malapit na ang election (though may post akong election related bago magmay ten. hehe), hindi rin ito cultural blogging about the art of dancing chacha (di po ako dancer, but i love dancers. hihi) dahil ito na ang official launching ng aking third season.

why chacha? charter change. si maldita hobby na magkaroon ng theme every year of his life na susundan niya. kagaya ngayong taon. dahil election season, dagdag-bawas ang kaniyang mantra. dagdag positibo at bawas sa kanegahan. pwes ako naman si gaya-gaya, dapat election related din para bongga! so kaya ang tema ko? charter change! 


pagbabago. i just think na lumilipas ang bawat araw at yes im not getting younger. so it's time to change things. siguro kailangan ko munang limitahan ang mga bagay sa sarili ko that hinders me to have fun. may trust issues kasi ako, kaya siguro i have to open up a little more. it won't hurt siguro kung magbubukas lang ako kahit kaunti. how can i see the world if im constricted di ba?

pagbabago. next season na nitong blog ko. actually i think same old pa rin ang aking mga posts. about me, about what i do, about pop culture, about the philippines, about life... pero siguro mas ilalalagay ko ang sarili ko sa bawat post at iiwasan ang magself edit at maglagay ng wall or barrier.

so anu-ano ang aking mga susunod na adventures? naaexcite na akong humarap sa mundo, tignan sa mas malalim nitong perspektibo. :) so till my next post.

2 comments:

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...