BOBOto ka kung ibabase mo ang boto mo sa surveys. please its simple math, hindi boses ng nakararami ang mere 2000 kumpara sa 50 milyong tao sa bansa. so huwag magpauto masyado sa mga ito na kung sino ang nakalalamang iyon na ang boboto.
BOBOto ka sa isang kandidato para lang hindi manalo ang hatest candidate mo. (example hindi mo iboboto si gibo or si gordon o kung sino man para lang hindi manalo si villar or noynoy o kung sino man hate mo) huwag sayangin ang boto, bumoto ayon sa prinsipyo. hindi sayang ang botong naibigay sa tingin mong karapatdapat na tao.
BOBOto ka kung ibabase mo ang kandidato mo sa dinikta lang sayo ng nanay mo o ng kaibigan mo.
BOBOto ka kung nagpapauto ka sa mga maling pangako, dahil sa sikat lang ito at kung hindi pinagisipan ang pagboto.
***
apat na araw na lang, for the first time boboto na ako. isa akong virgin voter at sana maging memorable ang aking first time. hay. buo na ang loob ko sa iboboto ko for president, kaso hindi ko na iisa-isahin dito kung bakit si gibo ang aking iboboto dahil naniniwala rin ako na kahit sino pa yan, ang mahalaga bumoto ka at pinairal mo ang iyong karapatan. i also believe na kung sino man ang iyong iboboto ay nagrereflect din sa pagkatao mo. its who you vote kaya nga sisihin ang botante kung papalya ang taong binoto nila. haha
isang boto ang katumbas anim na taon. anim na taon na pwedeng pagsimula ng pagbabago o mas lalong pagdausdos ng bansa sa pagkalugmok. may mga nagsasabi na this may ten daw ang make or break for the philippines. kung sino man ang mananalo, nakasalalay sa kaniya ang tadhana natin for the next six years. naku
hindi biro yun ha. kaya sana lang seryosohin ng lahat ang pagboto.
***
siguro may magsasabing nahihibang na ako dahil naniniwala ako na uunlad at may pagasa pa ang pilipinas. naiinis ako sa mga taong nagiging nega na at nawawalan ng pagasa. kung dadami ang mga nega, hindi na nga tayo aangat. masarap mangarap hindi ba? at mas masarap kung tutuparin natin ang pangarap na iyon.
***
pagasa ang hatid ng election. chance na baguhin natin kung ano man ang nais nating magbago. pagasang mapakinggan ang ating mga boses. somehow nabibigyan tayo ng hope pero sana hindi lang fantasy ang lahat. gumising din sana tayo sa katotohanan na hindi nagtatapos ang lahat kapag nashade-an mo na ang bilog na hugis itlog.
hindi matutupad ang inaasam nating pag-unlad ng mabilisan. huwag din sana tayong iasa sa gobyerno ang lahat. huwag naman tayong maging pabigat. wala raw trabaho, ang tanong naghahanap ka ba? wala raw makain, ilan ba kasi ang anak? hobby lang te na mag-anak? nagrereklamo pero bumoto ka ba at nagbabayad ka ba ng buwis?
hay sana maging tahimik ang botohan. malinis at payapa. sana hindi lang basta-basta BOBOto ang mga tao. oo gasgas na ito pero please vote wisely.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
sana nga maging tapat at tahimik ang botohan...at sana gumana ng ayos yang mga letseng automated machine nayan!
ReplyDeletemukha namang nagtagumpay si mareng pcos. hehe
ReplyDeletepwedi maki pag link dito sa blog mo?
ReplyDeleteBenefits of Travel Insurance - Earn and Invest Money