Sunday, May 30, 2010

kitikiteks

grade six ako noong maglipana ang cellphone sa school namin. year 2000 nun, kakatapos lang matakot ng mga tao sa y2k bug at sa inaakalang end of the world. pag may 5110 ka in ka at paniguradong mayaman ka. well ako hanggang tingin lang sa mga kaibigang mayroon, inggit na inggit at talagang hinihiram ko para malaro ang snake.

grumadweyt ng grade school, pasok ang high school. ganoon din kabilis umandar ang teknolohiya ng cellphone. say goodbye 5110 dahil ang naging cell ng bayan ay ang 3210. hiling ako ng hiling sa nanay ko na bilhan ako ng cellphone aba ang sagot ba naman ng mudra, "pag nanalo tayo sa lotto." sira ang mga pangarap ko.

well dahil uso naman ang kamaganak na ofw sa pinas, kinulit ko rin tita ko sa states na bilhan ako ng phone. finally third year ako, tinupad ng tita ko ang pangarap kong phone. excited na excited na ako! this is it! nang makita ko, nasorpresa akey! hindi 5110 na hellow so luma at hindi rin 3210 na cell ng bayan! isa siyang... er some phone.

siemens yata yun. im so disappointed. haha oo maarte akong bata nun. ang look niya, sexy shape na may curves at may antenna, ang iniisip ko nun sheeet hindi ko ipagyayabang na may phone ako. itatago ko lang yun habang buhay sa kailalim-ilaliman ng aking bag! haha. sa mata ko kasi nun ang tinatawag lang na cellphone ay nokia. haha. so ang ganap binigay ko sa nanay ko. di bale ng magtiis na wala kaysa magsocial suicide. bwahaha.

hindi nagtagal 3310 na ang naging cellphone ng bayan. at third year ako nun nung nakasali sa bandwaggon! finally binilan na ako ni mudra (actually sa kaniya yun pero ako ang gumagamit. haha). 3310, so sleek. haha. at smart pa ako nun. those were the days na tinitipid ko ng isang buwan ang 300, uso pa ang missed calls at talagang sinesave mo pa ang mga quotes kasi alam mong sinend talaga sa'yo yun. kaso...

BOOG! nanakaw ang phone noong nagsasummer theater workshop ako sa school. pucha hindi ako nakauwi kasi abot langit pagalit sa akin ng nanay ko. haha. kaloka akala ko nga itatakwil na ako ng nanay ko nun e. well eventually nagkaroon ako ulit ng phone, 3310 na second hand nga lang at globe na ako. grumadweyt ako ng high school iyon ang gamit ko till college.

lumalaban na ang sun kaya isinilang ang unlitext! loves it bumuhay sa kitikiteks na kagaya ko. hehe. kaso yung phone ko bawal tawagan kasi mamamatay. haha. dapat laging may charger na katabi. so winish ko ulit na sana magkaroon ako ng bagong phone. uso na camera phone nun pero simple lang hiling ko, basta natatawagan at nakakapagtext. so noong bday ko nung third year, nagkaroon ng surprise sa akin mga kaorg ko.... akalain mong niregaluhan nila ako ng cellphone na 8210! haha so sweet hindi ba? :)

ayun. winner. phone ko na yun hanggang sa makapagtapos ng kolehiyo. at ang grad gift ko cellphone na nabili ng june so ilang buwang delayed. ito na yung gamit ko ngayon. 6630 yata unit nito. well masaya basta nakakapagtext at nakakatawag winner na.

speaking of text, parang madalang ng magtext ang mga tao ngayon unlike dati. well sa bagay dati kasi may mga classmates kang mangungulit sa iyo kapag may project, orgmates na maniningil ng solicitations, friends na hindi mo kasama sa school na nangangamusta, parents na nasa province at mga textmates. siguro busy na mga tao ngayon sa buhay-buhay nila, sa trabaho o kung saan pang bagay. mas lamang na ngayon ang facebook at twitter. doon na kadalasang naguusap. wala lang, namimiss kong magtext. hehe. wala na kasi akong masyadong katext ngayon kaya hindi na rin ako masyadong naguunli para makatipid. howell sabi nga nila part of growing up.

namimiss ko lang siguro mga tao. feeling all alone, nakatitig sa phone baka sakaling may makaalala. well iba ang kilig na makitang may "one message received" sa screen paminsan di ba? :)

2 comments:

  1. my first cellphone was an ericsson T28s. two liner na sing kapal ng tatlong diskette. haha, at dahil hindi sya nokia, madalas nakatago lang din sya sa bag. :P

    parang ang tagal na. :)

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...