humahagod ang kaniyang mainit at mabigat na mga kamay sa iba't-ibang parte ng aking katawan.
sa paa, hita na halos dumadampi sa maselang bahagi, likod, kamay, ulo...
madidiin na hawak, nasasaktan ako at nasasarapan.
napapakapit ang aking mga kamay sa ulunan ng kama sa kaniyang bawat paghagod.
gusto kong magreklamo, pumiglas at kumawala pero gusto ko pa rin ang sarap ng bawat pagdampi ng kaniyang mainit at mabigat na kamay.
first time ko yun. at wala nga raw tatamis pa sa first time... ang unang pagkakataong ako'y nagpabody massage. heaven!
***
sabado ng gabi, wala kaming magawa ng aking mga kaibigan. kung anu-anong trip na ang naisip namin, biglaang mag out of town na 500 lang budget, sumakay sa bus na hindi alam ang patutunguhan, magpapamper o magfood trip para makaiwas sa physical at emotional stress that we are going through. hanggang sa naisip namin ang magpaspa.
nilakad ang kahabaan ng timog pero nasa isip naming lahat ang sikat na sikat na wensha spa sa timog pero dahil sa financial constraints nagtingin kami ng iba. hanggang sa nauwi na nga sa wensha. P544.00 lang dahil 20 percent off kapag pumunta ka roon ng 2am till 10am. kasama na roon ang buffet, body massage at ang amenities.
grabe first time kong magspa at natuwa ako kasi may ala japanese robe pa na suot. matapos magbayad, binigay sa amin ang tsinelas at ang hi-tech locker key. naloloka ang friend ko kasi kaisa-isa siyang babae kaya mahihiwalay siya sa amin bilang dalawa kaming lalaki (straight kasama ko so kaisa-isa akong bading.hehe) kaya kami magkasama.
nastress ako at umariba ang aking pagiging maria clara pagdating sa jacuzzi at sauna area, teka maghuhubad? as in lahat huhubarin? ok wala akong nagawa, tuwalya lang ang nagtatago ng aking kembot. tumambad sa akin ang mga pwet at notes in every shapes and sizes. pero ang mas winner ay ang mga hot bodies ng mga lalaki na tumatagaktak pa ang sauna-produced pawis. yum.
after magshower at magsauna at magpasteam at magshower ulit its time para magpamassagethis is it.
ang bungad na tanong: ano po ang attendant? male o female?
friend: female!
mabilis niyang sabi ako naman natungaga. wow ang bigat ng may pilian. nacaught off guard ako, may extra service? sabi ko sa utak ko. haha. syempre ang pinili ko... female. chos. alam na. haha
dahil perstaym hindi ko alam kung anong ganap. mineral o ginger oil ba? hetong si kuya pinangungunahan na ako sa mineral oil. ano ba kaibahan? mainit daw sa balat ginger. so inisip ko baka alaefficacent oil lang yun at mangamoy efficacent lang ako paglabas. so gora sa pagmamasahe si kuya. aba kung saan saan tumatama ang kaniyang kamay na ikakagalit ng madreng prinsipal kapag nalaman kung saan. i was so violated. chos. ang diin ng kamay ni kuya, hindi man lang gentle. heaven naman ang masahe with matching buhat buhat moves si kuya!
after nun shower ulit at sauna. hobby ng magshower?! at gusto kong magjacuzzi. kaso hesitant ako. ugh. ilaladlad ko ang aking pangkahalatan. so buti na lang hindi na ganoon karami mga tao sa area. nagtagumpay naman ako. saraaaap. well check na sa list of things you have to do in your lifetime ang go naked in public. wahaha. nagenjoy ako sa jacuzzi, ako lang gumagamit feeling senyorita. hehe
after nun nagaya na si friend na kumain so bumalik kami sa itaas. aba yung babae naming kaibigan nakatulog na pala kaya pinagising namin. doon na kami nagbreakfast habang nagchichikahan.
may pinangalanan kaming gangsta boy. haha lahat ng mga lalaki tinitignan niya sa sauna. literal! at ang look niya, malaki tiyan, kalbo at may mga hikaw at singsing. para talagang boss ng isang mafia na parang may dalang epektos. so feeling namin mga undercover agent kami na may misyon. pero uber creepy niya.
alas nuwebe na ng umaga kami lumabas. hay ang saya ng experience. minsan ko na lang din maregaluhan ang aking sarili kaya oras naman para sa sarili ko ngayon pang nasa emotional state ako na sumasabay sa pagpapalit ng weather pattern ng pilipinas. hehe. oh well isa sa mga pinakamasayang weekend ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
guess who's back?
ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in. birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
wensha is love...nyahahaha... ganitong ganito ako nung perstaym ko. hahaha
ReplyDeletehaha wandering. grabe masaya nga ang experience. :)
ReplyDeletenakikinikinita ko may maaadik hehehhe
ReplyDeletehaha luis. sarapan muna nila menu. haha
ReplyDelete