Wednesday, August 11, 2010

sa isang araw

sa isang araw may 24 oras.
sa 24 oras may 1440 minuto.
sa 1440 minuto may 86, 400 segundo.

sa isang araw 16000 ang average na mga salita ang pwedeng sabihin.
aba isang radio drama rin yun at isang pocket book na kuwento.
at sa isang minuto kaya na nating makapagsalita ng mga 160 na salita.
ilang sentences na rin yun.
sa isang minuto pwede ka nang magkaroon ng kaaway o bagong kaibigan.


sa gitna ng mga segundo at ng mga minuto...
sa bawat letra at salitang nasasabi...
sa isang araw maraming pwedeng mangyari.

sa isang araw pwedeng magulat ka na lang wala na ang tatay at kapatid mo.
nabalitaan kasi namin na mula sa isang high school classmate na yung kaklase namin, namatayan ng tatay at kapatid. ayun binaril sa highway sa cabanatuan sa tapat ng isang tindahan ng motorsiklo habang nakasakay sa tryk.

nakakabaliw no? parang kanina lang kasama mo sila tapos magugulat ka na lang wala na sila.
wala na.
wala.

pero dahil ang pag-alis ay hindi rin naman nangangahulugan lang na tuwirang pagkabura ng tao sa mundo. minsan mas masasakit ang mga paghihiwalay na alam mong nandiyan lang sila pero hindi mo naman sila makakasama. paggising mo isang araw, iba na ang lahat. hindi na sila ang kasama mo.

sa isang araw, mawiwindang ka na lang sa paligid mo.
sa kabila ng hirap kong magtiwala at 'mahulog' sa tao agad, matindi rin akong maattach oras na nakuha ang puso ko. ang hirap talagang maglet go at makamove on. isama mo pa riyan ang pagaadjust sa pagbabago.

sa mundong aking ginagalawan, maraming pwedeng mangyari sa isang araw na ang pakiramdam ko na parang siniksik ang lahat ng pwedeng mangyari sa isang buwan.

sa isang araw, biglang ibang responsibilidad na pala ang dapat kong harapin.
at haharapin ko ito na hindi na kasama ang ilan sa mga taong nakasanayan ko na.
kaya ko ba ito? do i deserve this?

haist.
hindi ko makakalimutan ang isang buong araw ko ng martes.
nagising ako ng late dahil martes ng madaling araw may tinatapos ako na hindi ko naman makapitan.
martes ng madaling araw na puno ng agam-agam na pinawi sa aking pagtulog.
martes na puno ng pasabog at balita. siksik ang mga kaganapan.
martes na nadapa pa ako sa harapan ng mcdo. (potek.haha)

lahat ng iyan nangyari sa iisang araw.

hay, bukas, madilim ba bukas? sana hindi. alam kong hindi. dapat hindi. 
natatakot ako. nanganagamba. paano ko ito haharapin. kaya ko kaya?
alam ko naman na...

...sa isang araw kayang mawala rin ang lahat.

1 comment:

  1. kaya importante din talaga na pahalagahan ang bawat minuto ng buhay natin.. take time to laugh.. to enjoy moments with our loved ones... take time to do the things na gusto natin... kasi, we'll never know kung hanggang kailan lang tayo... we'll never know kung hanggang san alng ang pwede nating maabot.. kaya habang buhay pa tayo.. enjoy! live each day as if its your last!

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...