Saturday, October 2, 2010

para sa taong tinatawag kong 'hoy!'

lumaki ako na lagi kaming nagaaway ng kuya ko. he's 26 at i'm 23. may tatlong taong age gap. isa siyang rakista, isa naman akong prinsesa. chos. haha grabe. hindi talaga kami close. siguro dahil bading ako and all. naalala ko noong elementary binubully niya kaya ako sa school. pakshet. haha tapos noong high school, nag-abot pa kami, first year ako siya fourth year, ayun kapag nagkakasalubong kami hindi kami naguusap, hindi kami nagpapansinan, parang hindi kami magkapatid no? haha then ayun. hanggang sa pacollege, nabawasan na away kasi syempre matanda na. oa naman kung magbebenggahan pa kami. hehe

hanggang sa may ilang bagay siya na ginawa na hindi ko inaasahan.

2003
kakauwi ko lang mula sa maynila.
christmas break nun. at extra special kasi for the first time narecognize yung so-called talent ko noon sa pagsusulat. nanalo ako ng karangalang banggit (honorable mention) noon para sa isang university wide literary contest sa uste (ustetika) kaya naman extra excited akong umuwi ng cabanatuan para ipagyabang sa nanay ko na bukod sa bakla ako may boyfriend pa akong dala. chos.

anyway take two, extra excited akong umuwi ng cabanatuan para ipagyabang sa nanay ko na nanalo ako sa isang contest. ayun deadma kasi sanay na sila na ang anak nila award winning (CHOS ulit.haha) anyway ayun syempre masaya kumusta naman kung palayasin ako di ba? hehe.

so ang point ng story, one time sa kuwarto namin ni kuya,  nanahimik ako, bigla siyang pumasok may dala siyang papel. sumulat daw ako ng tula. baka raw kasi gawin niyang kanta. 


pakshet. natats ako. haha ayun sumulat ako. about death daw. haha well hindi naman yata nacompose. hehe :p pero yung thought? wala unexpected.

ayun. the usual. hindi talaga kami close. pero itong si kuya hobby akong gulatin...

2010
umeere ang imortal the making sa snn. meron siyang comment na parang hindi naman ako sumang-ayon. haha syempre best in defend ako. nagkaroon ng debate. nagkapaliwanagan. naintindihan ko point niya. nagkaintindihan kami. oo. akalain mo yun nagkaintindihan kami. tapos sabi niya bakit hindi ko raw subukang ipitch yung mga gawa ko at 'magaganda' raw yun(yes kuya nabasa mo?haha pero hindi ba sinabi niya yun kahit wala pa nga siyang nababasa sa mga gawa ko ever) or bakit hindi daw ako gumawa ng indie baka yun na raw break ko. :p

dahil diyan next time, mga crushes ko namang boys paguusapan natin kung boto ka o hindi. char. haha well seriously hindi ko inexpect na sasabihin niya ang mga bagay na yan. i mean parang ang deadma ko lang na tao kapag nasa bahay ako. well mabait ako paminsan kasi binigay ko sa kaniya luma kong sketch pad dati. haha (magaling magdrawing kapatid ko at gumagawa siya ng komiks now. :p) its just that... feeling ko tuloy ang sama-sama kong kapatid. haha baka gusto niyang ipafeel sa akin na proud siya, na kahit ganito ako, masaya siya sa ginagawa ko. naramdaman ko naman. kaso sana next time ako naman, maparamdam ko sana sa kaniya na ako proud din na kuya ko siya at yes... matagal tagal ko na rin siyang hindi natatawag na 'kuya'. well mas kumportable pa rin ako sa "hoy!" :p

ps
may kapatid pa pala akong bunso na babae. haha hindi naman siya kasali sa usapan so bakit ko babanggitin? hahaha

3 comments:

  1. i am so proud of you kabayan, next time pag uwi mo kita naman tayo dito sa cabanatuan:) ingats! Congrats sa imortal loooooooove it!

    ReplyDelete
  2. aaaaawwww. thats sweet nga!

    i hope i have the same bond with my siblings.

    tama, its really the thought that counts!

    ReplyDelete
  3. aw thanks bleeding angel oo nga kita tayo sa cabs soon. hehe. fun. abangan niyo imortal. monday na! ehehe.

    tama wandering super once in a blue moon lang ganyang moment. pero ayun dahil nga minsan lang sobrang special tuloy ang effect. :)

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...