madilim.
malamig.
isang anino ang hindi mapakali.
paikot-ikot si aiko sa kaniyang kama.
isang plywood lang ang pagitan ng kuwarto ng kaniyang kuya.
dalawa lang sila sa masikip na room-for-rent na yun.
pero hindi lang silang dalawa sa gabing ito.
paikot-ikot itong si aiko sa higaan.
sa silid ng kanyang kuya, paikot-ikot din ang kuya nito.
nagsisiksikan ang tatlong katawan sa maliit na kwarto...
sa pagitan ng plywood na yun, dinig na dinig ni aiko ang mga hininga.
hindi lang ng sa kaniyang kuya...
may dalawa pang hininga.
ang mga langitngit.
paikot-ikot si aiko.
tagaktak ang kaniyang pawis.
pero malamig ang gabi ng oktubreng yon.
pinapainit ng mga bisita.
ugong ng bentilador ang bumabasag ng katahimikan.
ngunit hindi naman tahimik...
nabibingi si aiko sa halinghing.
mga halinghing.
pinilit niyang takpan ang ulo ng unan.
pero hindi man niya marinig...
takot siyang pumikit.
kasi oras na pinikit ang mga mata...
makikita niya ang imahe ng tatlong katawan na nasa pagitan ng plywood.
paikot-ikot si aiko sa kaniyang higaan.
taas-baba. taas-baba. taas-baba.
pamilyar pero hindi niya kilala.
ilang gabi na rin siyang paikot-ikot.
sanay na sanay na na sa silid ng kuya niya may isa o dalawa pa ang makikisiksik.
pagkatapos, umaga na pero madilim pa,
dadaan sa tabi niya habang siya'y nagtutulugtulugan...
nagbubulungan... naghaharutan...
gusto niyang usigin.
ngayon nagdesisyon siya,
hindi na siya iikot ng iikot.
naubusan na siya ng pag-ikot.
napagod na siyang umikot.
dilat na dilat si aiko.
dapat naman kasi sanay na siya.
ilang tao na ba ang dumaan sa gilid niya.
ilang hininga na ang narinig?
pasinghap-singhap na mga hininga ng mga taong kasama ng kaniyang kuya.
tatlo sila ngayon. mas madalas kasi dalawa lang.
naririnig niya ang kanilang bulungan.
pigil na hagikgik.
nakatingin lang si aiko sa kisame.
makakaraos na naman ang kanyang kuya.
makakaraos din ang dalawang taong kasama nito sa silid.
mga pigil na hininga.
mga kalampag.
mga hindi sinasadyang pagtama ng katawan.
mga pigil na pag-aray. pigil na pagiingay.
pilit na pananahimik.
nakatingin lang si aiko sa kisame.
mga impit.
nanahimik din ang silid ng kuya niya.
gising pa si aiko pero pakiramdam niya binabangungot na siya...
katahimikan.
nakikiramdam kung tulog na ba siya,
para makalabas din ang dalawang lalaki na naging border nila...
***
word vomit lang...
babala: fiction lang yan. wag seryosohin. :p
attempting to write about the taboo. haha
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
whoa. i write short stories too. pero ang galing mo. ;) matured plot. matured style. you deserve a clap. ;)
ReplyDeleteParang true to life. hoho.
ReplyDeletethanks abbey. :)
ReplyDeleteat least isaac mukhang makatotohanan. nakarelate ka ba? haha