monsters are everywhere. they are not hiding actually. baka kaklase mo na, boss, kapit-bahay, best friend, jowa o baka yung taong nakakaharap mo sa salamin. it's not hard to spot one. kasi nga may boom ng population ngayon. haha.
well sabi nila bitches rule the world. sino ba ang gumagawa ng mga bitches na ito? naglipana sila diyan, either ang walang malay na striktong madre na hobby magcheck sa gate ng isang catholic school kung tama ba ang uniform at kapag mali, siguradong pahiyang pahiya ka sa buong campus. pwede rin ang boss mo o nanay mo na wala na lang nakitang tama sa'yo. pero madali lang naman gumawa ng monster na hindi mo na kailangan pang basahin ang frankenstein. so heto ang simple ways to create your monster! follow these simple steps.
- hanapin mo ang kahinaan niya, tapos doon mo tirahin ng palihim. halimbawa insecure siya, eh di tirahin mo lang mga insecurities nya pero dapat tunog na may care ka sa kaniya para hindi ka naman mean sounding.
- abusuhin mo ang kabaitan. as in. para san pa at naging mabait siya hindi ba?
- deadmahin mo ang lahat ng ginagawa niyang maganda pero pansinin mo ang pagkakamali niya. bwahahaha. evil laugh.
- ilalaglag mo siya (pwedeng literal) sa boss kapag may kaguluhan, para ang inaakala niyang sandigan at pundansyon ay magigiba na rin.
- paglaruan mo ang damdamin.
naku ewan ko na lang kung hindi pa siya magsnap dyan. haha naku hindi natin alam kung ano ang kayang gawin ng isang monster... so beware. ingat lang sa pagcrecreate, hindi ko alam how the moster will behave.
No comments:
Post a Comment
Magsalita ka mortal!
Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!
bwahahaha!