"honestly, hindi kita type. pero we can be friends naman."
text yan ng niligawan (cringe) kong fratman. haha. ouch. ganoon pala feeling ng nababasted. and what is weird tatlong araw palang kaming magkakilala at isang beses lang kami nagkita. honestly, alam ko na yan isasagot niya sa akin and oo, nagwishful thinking din ako na i was wrong. haha. but no, tama ako ayan ang gaga ko kasi eh, patanong-tanong pa ako kung may pagasa pa ako (still cringing) eh alam ko naman ang sagot dahil sa date palang pinaramdam na niya sa akin na hindi niya ako type.
pero bakit ba ako umasa?
rewind the tape please.
***
it started with a pm
it started with exchange of personal message sa isang gay social networking site at nauwi sa chat. nice ang ganda agad ng batuhan namin, may rapport! hehe. nakakakilig. bakit daw ako nbsb (no bf since birth) cute naman daw ako. (hahahaha cute daw ako oh? pota!) sabi ko sa kaniya pangit naman kasi talaga ako, ayun tinawag niya akong emo. basta nauwi ang chatting sa panliligaw, liligawan ko raw ba siya? natameme ako, ako manliligaw?! hello. ako? nbsb tapos ako manliligaw? pakingshet. hehe.
21 si fratman (na di alam ng brod niya na pumapatol siya sa guys. dahil binasted niya ako, humanda siya. chos. haha) sa UP at dahil shifter next year pa siya magmamartsa. so madaling dalawin kasi malapit lang ang school sa bahay namin. napaisip ako. why not try kasi sabi naman niya akong bahala pero dapat meet daw muna kami. inisip ko hassle. haha pero nagvidcam siya, ay potek nakuha niya ako sa isang ngiti! haha. cute. :p yun na ang trigger point (inciting incident kumbaga sa teleserye. lol), mahal ko na siya! chos.
anyway sa hectic ng sched ko actually hindi na ako umasa na magmimeet kami at pano ka manliligaw kung wala ka naman oras? (cringing to death sa tuwing nababanggit ang ligaw) pero napaisip ako tutal bakit hindi ko subukan?
the 'destined' date
nabasa ko ang horoscope ko sa astrologyzone.com na maganda raw ang love angle ng buhay ko ngayong november so bakit hindi raw ako magmingle. haha. so why not? pero dahil nga hectic ang time sa work, paano ang mingling? but no... gumawa ng paraan ang kalangitan, free day ang tuesday! destiny?! :p assignment lang na ang deadline ay madaling araw ng tuesday so sa umaga't hapon may time.
so nagtext ako. sabi ko kay fratman magkita kami. dapat sa UP kaso nagaalala siya dahil baka makita raw ako ng mga kabrod niya. so we decided na sa trinoma kami magkita. so achib. nalate ako. haha ayaw pa naman daw niyang naghihintay. hinanap ko siya, nasa tapat siya ng tokyo tokyo. nakapolo, shaved ang buhok na may design at nakasalamin, okey ang body built at student ang look. bet na bet! :p cute pakshet. :p hindi ako makarecover at ngiti palang napapangiti na rin ako. haha
pizza, ice cream and jebs
ang opening remarks niya? natatae siya. basa ang medyas niya sa ulan pati pants niya (take it off! chos. :p). nagtawanan na lang kami. kinikilig ako ampotah. :p gusto niya ng pizza. so kumain kami sa greenwich at dahil late ako, nilibre ko siya. (almost 300 din yun ha! :p) what is weird... naramdaman ko na agad, shet may spark pero.. bakit pangmagkaibigan?! haha ayoko! this can't be happening. haha.
sa greenwich, lumalabas ang pangkacompetitive niya dahil nga UP stude at tomasino ako, may mga bantering pa. kilig na naman. haha. pero ang clue na wala na akong pagasa nang simulang magkuwento na siya tungkol sa ex niya... at naconfirm ko na pakshet wala na ito, friendship na lang itey... kasi ang type niya chubby at chinito.. :s deads. hindi ako chubby inay. hindi rin ako chinito. gumuho lahat ng pangarap ko. inimagine ko pa naman na hihintayin niya ko sa work... magdededate kami sa UP sunken garden while eating isaw... manonood ng imortal at juanita banana together... haha may mga ganun na talagang thinking. ayan tuloy.
and ang gago, kinuwento pa na may nililigawan siya at may nanliligaw din sa kanya. ano gahaman lang?! chos. haha pero dahil competitive ako iniisip ko hindi ako papatalo... pero alam ko naman ng talo na e. nakakainis. nagsisisi yata ako na nagmeet kami. kasi ang sarap niyang kausap. masayang kasama. cute. fratman. ayan mas nagustuhan ko siya. :s tsk.
kung tutuusin the date is supposed to be an epic fail... kasi naman he is a defensive, insecure frat guy who keeps on asking kung okey ba look niya to boost his confidence and an asshole who tells his date about his type na kita namang opposite na opposite sakin. pero ang pinakastupid is... it made me like him even more. ngar.
sabay kaming umuwi. kumain pa kami sa dq sa gateway. hinatid ko pa siya sa sakayan nya. ang landi ko raw.
and surprisingly i super enjoyed the bonding (hindi na siya date.. naramdaman ko na na mauuwi lang to sa pakshet na friendship. haha bitter?). considering na he is a total (hindi naman total, nagkachat na nga pala kami.hehe) stranger dapat ha. pero grabe kung magkwentuhan kami, ano high school friend lang? parang ang close namin. haha. bet na bet din niya ang queen seon deok kaya lalo ko siyang nagustuhan. haha. grazilda nga lang pinapanood niya. haha okey lang naman bilang ilumina na katapat ng imortal. :p
***
then ayun tinext ko siya na nagenjoy ako. tinanong ko nga kung may pagasa pa kong sumingit sa complicated na ligawan moment niya. and the expected reply nga. nalungkot ako pero hindi super super sad kasi inasahan ko na nga. pakshet sinabihan lang akong cute umasa na ako. haha feeling. ngar. pero sana maulit labas namin as friends. kung iyon lang ba ang kaya niyang maibigay e. masaya na rin ako run. :) at happy din ako na nagenjoy naman daw siya sa bonding namin. ang catch baka mas lalo lang akong magfall... ano te? semana santa? penitensiya ito? well bilang ganti, dapat hanapan niya ako ng boypren... dapat fratguy din..haha pero hindi na dapat mahilig sa chinito't chubby. at sana ako na ang ligawan pwede? hehe
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
sometimes there is really that type of chemistry that is crucial for something "greater or lower" than friendship...
ReplyDeletei guess, you just have to make the most out of the friendship offered or be grateful that at least he was honest!
:)
hi wandering. oo nga masaya ako na friends kami. pero ewan ko. naramdaman ko na lang today na iyon na ang una't huling pagkikita namin. as if bibigyan pa niya ng oras ang isang 'kaibigan' lang. haha
ReplyDeletemasakit pala no? or nakadagdag lang ang maulan na panahon? haha.
again part of growing up... kailangan ko nang magmove on. ouch. :p
uy, chubby at chinito... ako yun a. apir.
ReplyDeleteakin nalang! joke.
tigilan mo ko avery. haha
ReplyDelete:p
may darating din na para sayo...
ReplyDelete^_^
nakakarelate ako...kasi nakakakilig nga naman pag nakikipag chat ka tapos cute pa! tapos hanggang friends lang talga ang pagtitinginan...
tama delightfullness. butit nakamove on nako. haha :p
ReplyDeleteipakilala mo naman ako kay frat boy!
ReplyDelete