Sunday, December 19, 2010

a christmas letter

dear god,

kumusta? it's christmas. ilang araw na lang birthday mo na naman. are you nostalgic? hindi ba ganun kapag nagbebirthday? :p anyway i'm writing to you para mangamusta. sorry i can't get in touch more often. i miss praying before i go to sleep. hindi rin ako nagsisimba. ang dami ko nang kasalanan sa'yo no? pero in fairness you are always there. nagugulat na lang ako kasi minsan sinasagot mo na ang mga idadasal ko palang o kaya minsan kahit hindi ko pinagdadasal, binibigay mo naman. kaya wala na akong mahihiling pa. :p haha to think na ang dami kong atraso sayo.

it's christmas again. naku lord, wala lang. ganoon yata talaga as you get old, nawawala ang christmas magic. well siguro ibang level lang, hindi ko lang nararamdaman. or i just want to be a child again na ang pasko ay kasing simple lang ng aginaldo, noche buena, regalo at pangangaroling. well that was so long ago. haha. pero in fairness iba naman ang feeling ng anticipation. masaya ang paghihintay ng pasko pero pagdating ng pasko itself, parang.. ok wala lang. haha thank you lord for that wonderful feeling.

since it's christmas well hindi na bago ang pagsusulat ng wish lists. lord as of now, wala pa naman akong mahihiling kasi sabi ko nga bago ko pa ipagdasal, ginagrant mo na. sobrang salamat po. i dont know what i've done to deserve the blessings na natanggap ko this year (sana ulit next year. haha) kaya ayun ang kapal ng mukha ko if i'll ask much pa. so thank you.

happy birthday! :)

lovingly yours,
ako

4 comments:

  1. how sweet... may hihilingin na malaki lang bumubwelo lang hehehe merry Christmas

    ReplyDelete
  2. ayun! advance happy holidays to you! :D

    nawawala ba magic habang tumatanda? ahehe. siguro kasi dumadami obligation. pero if you look at the real purpose why we celebrate it. ang gaan sa pakiramdam. :D

    ReplyDelete
  3. cant wait na sagutin ka ni lord, in a positive way... this is definitely moving...

    ReplyDelete
  4. merry christmas luis! :) haha oo nga wala pa kasing maisip hilingin eh.. pang next year na? haha

    hey quest! tama ka siguro blinded lang ako sa mga ilaw at merry making ng christmas... the message of hope is the real magic. i mean you will look forward for another year ahead and be positive. :)

    wandering thanks. sana nga. i'll be waiting for his text, email or letter. :p

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...