well this is not forced dahil sa work though may kinalaman ang trabaho kung bakit ako narito pa rin sa quezon city. actually nakaplano na dapat luluwas na ako ng pampanga kanina. pero tinamad ako. haha. kasi gusto ko rin na pag lumuwas ako tapos na ako sa task na dapat kong gawin para bawas na sa aalahanin. so mamayang umaga na ako luluwas kasi achib na. haggard lang gumising ng maaga. haha.
okey naman. may fireworks na matatanaw mo mula sa kinalalagyan ko. so parang bonggang celebration na rin. at naisip ko rin na mas gising ang mga tao samin sa 31 compared sa 24th. simula kasi noong namatay paborito kong tita at pumunta sa states yung isa ko pang tita, parang natigil na ang konsepto ng noche buena kina lola sa pampanga. mas hindi sila natutulog sa new year. so kaya iniisip ko wala rin naman akong namiss. hehe.
anyway pasok naman sa theme ko this year ang mga ganitong bagong experience. this 2010 kasi parang ang naging running theme ko, mag-out of character. meaning gawin ang mga bagay na kung dati ni sa hinagap hindi ko gagawin o maiisipang gawin. well i'm 23 siguro mas nagmamature ako at minsan naiisip ko na parang may mga bagay na dapat nagawa ko na sa edad ko. haha so dapat gawin na. at kasama na nga itong mga ganitong experience. salubungin ang pasko ng hindi sa pampanga... hehe
well hindi uber sayang experience pero hindi naman malungkot dahil lumipas lang ang araw pero looking forward ako sa days ahead. anyway share ko lang ang post ko sa aking tumblr.
The Best Christmas Gifts Ever
- bumibili ka ng shirts tapos hesitant at first dahil baka masakit sa bulsa then pagdating sa counter sale pala. surprise surprise! :)
- beating the deadline. kinda. haha.
- the christmas greetings from strangers.
- the happy family you see from your friends sa mga pictures nila sa facebook/twitter/tumblr.
- going home sa iyong hometown! :)
- fireworks from the kapit-bahays.
excited na ako later lumuwas! namiss ko ang simoy ng probinsiya. yehey.
Kahit saan ang pasko, basta may nagmamahal na kasama, masaya!
ReplyDeletemeri krismas kalansay. magkapit bahay pala tayo dati eh taga kyoozee din dati akembang
ReplyDeletehappy holidays sa iyo.
ReplyDeleteo ayan, isa pang greeting from a stranger
tama tiyang lyka! check na check! :)
ReplyDeletemaligayang pasko luis! ay talaga? go city of stars! hehe
wandering haha you are not a stranger... you are a friend. hehe