Wednesday, February 2, 2011

saktan mo naman ako please?

hindi ako iyakin.
i have this tolerance sa pain.
that is physical... and emotional pain.

but i miss crying and that pain inside you na alam mong walang gamot na makakaalis...

natatakot ako.
namanhid na yata kasi ako.

nasaan na nga ba kasi ang luha at ang sakit?

***

lately sa work may assignment ako:  
i should find my pain. 

***
pero ang hirap. it is not an ordinary assignment na isusulat mo sa papel at meron nang automatic na tamang sagot. im trying to open up to myself and analyze na rin... nasaan nga ba ang pain na yan? naging bato na ba ako since i've learned to control my feelings?

i have this tendency kasi to stop when i know na it will not go anywhere or kung alam ko naman na masasaktan ako. hindi ko pinipilit ang sarili ko kung ayaw mo naman sakin. hindi ko na ipupush pa... so hindi na nga ako masasaktan. move on stage na agad. madali akong magpatawad, hindi ako nagtatanim ng galit... i'm understanding. i try to avoid conflicts. when something is wrong, sometimes i just keep it to myself...

well i masyado na yata akong naging mabait?! haha
kidding aside, may trust issues ako.

baka ang pinanggalingan nito ay betrayal from the past?

but i don't remember anyone na binetray ako ng bongga?!

doon ko naisip..


what if sinadya kong kalimutan ang mga masasakit na memories?
as in karamihan masasaya ang naalala ko.

but i have to dig deeper.
deeper and deeper....

***

iyakin akong bata noon.
as in.
kapag tinutukso ako ng mga pinsan kong bakla..
i cry.
kapag umalis si mama at hindi pa bumabalik...
i cry.
kapag nagalit ako dahil may umaaway sakin..
i cry.

and i cry.
and i cry.

bata palang ako tinutukso na ako ng mga pinsan kong bakla. and i resent it dahil pinagtatawanan nila ako. at dahil pinagtatawanan ka, ibig sabihin nun something is wrong. so i feel embarrassed. i cry. and cry. and cry again.

dahil sa kakaiyak ko, pucha mas tinawag tuloy nila akong bakla. well for them ang lalaki ay di dapat umiiyak. nakakainis.haha.

i thought ang best defense mechanism noon ay ang pag-iyak para maawa sila sayo... pero hindi rin. dahil nastress sakin nanay ko... bigla kong naalala sinabi niya noon, "bakit ka umiiyak lang, bakit hindi ka lumaban?!" whoa. talo na naman ako. and i cry. and cry and cry.

so habang lumalaki ako, i try to prove them wrong. noong bata ako ang dami kong peklat sa paa... kasi lalampa-lampa raw ako.. kasi nga... yeah you guess it right, bakla nga kasi kaya lalambot-lambot. pero kaya naman ako nagkakapeklat kasi nga gusto kong patunayan na aktibo ako sa kakalaro, kakabuhat ng mabigat, sa kakaganito... lahat ng associated sa panlalaki, ginagawa ko naman.. i try to show them na i'am a boy not a girl...

sa intrams naalala ko nung grade four, nagvolunteer akong sumali sa basketball para maipakita sa kuya ko na i can play balls este basket ball too. haha. pero hindi rin ako nakapasok... kasi sa bangko lang ako. haha. at sinasabi ko noon sa nanay ko girl crushes ko at alam din ng kuya ko yun. so that hindi nila ako haruting bakla. natatakot kasi akong masaktan... natatakot akong umiyak... nilalayuan ko ang mga taong hindi gusto ang pagkatao ko... kaya hindi ako close sa majority ng mga pinsan ko sa mother side.

well hanggang sa maghigh school na ako... dun ko na kasi natanggap e and i know kahit hindi ko sabihin straight kina mama dama ko naman na tanggap nila e, pero alam ko the rest of my relatives hindi tanggap kaya i know na they are talking about it. and i learn the art of deadma. i start to snap back kapag may hindi ako bet na comment.

so kung ayaw nila sa akin.
kebs.
so kung hindi pa rin nila lubusang matanggap.
kebs.
hindi ko sila iiyakan.
hindi ko sasayangin ang luha ko.
hindi na nila ako masasaktan.

5 comments:

  1. Parehas tayu tol. iyakin ako nung bata. Pero ngayun di na. kebs na lang :)

    ReplyDelete
  2. wow agang magising? hehe.
    yun nga e, namiss kong umiyak. :s

    ReplyDelete
  3. Wow, my tao pa plang ganun. Ako umiiyak pag di na kaya. Pero i can take it, pag okay pa. i meankaya pa.

    ReplyDelete
  4. baka naman pwede makuha ang facebook mo sir.. sige na please! add moh naman ako! o ako ang mag add sayo

    lei_heart21@yahoo.com

    talamat! pa palow na din boss!

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...