this is my 200th post and binalak ko na dapat special siya.
but i did not expect na magiging ganito siya kaspecial.
it started with a tweet wish sa twitter:
"gusto ko ng pizza pero nagtitipid ako. :|"
after ilang oras dumating sina kuya. and guess what? may dalang pizza! nice. but this night is destined to become extraordinary. nagulat si kuya with my new haircut. bakit daw ako nagpakalbo eh bakla ako. chos. anyway sinabi ko na nagtititipid kasi ako ng paggupit. (well isa na yung rason na yun at ang reason na curious lang ako sa histura ko pag kalbo). bumili kasi siya ng ipod at para mapagana yun kailangan niyang magregister on line so kailangang gamitin ang laptop ko.
at ang dalawang oras na usapan sa pagitan ng aking nakatatandang kapatid ay nagsimula na.
***
well ang communication sa pagitan namin ng kuya ko ay mga civil talks lang, kumain ka na ba? o nandiyan ba si mama? but we rarely talk. pero last year napablog ako dahil nagkaroon ng moment na nagusap kami ng seryoso!
at ngayong araw, naulit nga ito. nagkaroon pa ng progress!
***
sa dalawang oras na yun, narealize ko na maraming bagay pala ang pagkakaparehas namin ni kuya. he writes songs while i write stories. he loves to draw at sobra ang pagkanationalistic. hindi siya bumoto last presidential elections pero si gibo rin dapat ang iboboto niya na binoto ko naman. he likes to study again na gusto ko rin at may mga paniniwala kami sa buhay na parehas na hindi ko inaasahan.
nagulat ako kung makapagopen up siya parang hobby naming mag-usap. sinabi niya kung ano ang naramdaman niya na noong time na pinilit siyang patapusin ng archicture at kinuwento rin niya ang mga pangarap niya sa buhay. gusto niyang mag-aral ng fine arts ulit sa UP dahil yun naman talaga ang gusto niya ever since.
ang kinagulat ko, he believes na he will die at 30. he is 26. pinabayaan daw niya kasi ang katawan niya. kaya iniisip niya sana magawa raw niya ang mga pangarap niya.
kaya ba niya ginagawa ito kasi he thinks na he will die at 30?!
ang morbid.
someday daw pagagawan niya ako ng kuwento tapos isasakomiks niya. masyado siyang magtiwala sa kakayahan ko bilang baguhang manunulat. nananahimik lang ako.
i asked questions. he answers. i can't believe we are having a conversation.
***
nanghingi siya ng mga music at film sa laptop ko. ibigay ko raw lahat ng OPM ko. haha eh kumusta naman yun may donna cruz kaya run. haha well kinopya ko pa rin. haha
***
can't wait for that collaboration na nabanggit niya ng ilang beses. who knows? we might hit big... or not. pero kapag nangyari yun? it is just priceless.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
wow, life is full of surprises di ba? pag uwi mo dito kabayan kitakits:)
ReplyDeletetama miko! :)
ReplyDeletesure! basta text text. hehe i miss cabanatuan! :)
tama si bleeding angel lifes full o surprises . magpasabi kalang kung kelan ka uwi at susunduin ka ng bloggerfriends mo sa paliparan ng pilipinas . =)
ReplyDeletehttp://www.juanderfulpinoy.com
chinchan
taga cabanatuan ka rin chinchan? :)
ReplyDelete