nakakamiss ang buhay eskwelahan...
***
december 2010, umuwi ako ng cabanatuan.
insert quick flashes of the past.
mabilis na susugod ang mga ala-ala ng nakaraan...
i'm in my high school uniform, charcoal gray pants and white polo with logo.
it was christmas season again, naghahanda na para sa christmas party.
at iyon ang huling christmas party sa high school...
bunch of high school kids enter the mall in maroons and grays...
undecided. indecisive kids. hindi malaman kung anong bibilin.
tila lumaki ang mundo sa mga row ng stalls na pamilyar na bilang halos araw-araw nakikita...
sinusulit namin noon ang panahon.. thinking na tatlong buwan na lang magsisipagkolehiyo na kami at kahit na majority ng barkada ay sa maynila mag-aaral, may isang maiiwan sa school namin, may isa sa isang state u sa nueva ecija at isa naman sa dumaguete... iniisip namin baka hindi na kami magkakasama (well nagkakamali kami bilang noong college hobby naming magbond sa maynila. haha)...
sa mc do namin binuo ang aming mga pangarap. pinagchichismisan ang mga tao (haha) at dito mas pinagtitibay namin ang aming pagkakaibigan with fries, coke float at burgers. we were so young then... sa showbiz, crushes, teleseryes, quiz, school activities at nahihiya pa kaming ma-offend ang isa't-isa.
kahit umiikot sa candy, chalk, witch na mula sa national bookstore, masaya na kami noon.
actually wala akong maisulat. the memories just keep on flooding pero walang sapat na mga salita ang makakapaglahad.
high school in 3 words: all worth it. :)
***
those were the days.




naaalala ko din yung ganyan. kaso walang mall sa amin nung hyskul. hehehe
ReplyDeleteWOW nostalgia ba ito kabayan :)
ReplyDeletetrue enough guys. hehe
ReplyDelete