Wednesday, March 16, 2011
two minutes
in two minutes you can sharpen your pencil. throw your trash. type a paragraph. text. call for follow up. shut down your laptop. or die.
in two frightening minutes, nagbago ang buhay ng mga taga-japan.
matapos ang maipanalo ni wes ang kaniyang high school basketball team, nagcollapse siya at namatay.
parang last two minutes lang sa laro ng basketball...
sa dalawang minuto kayang mawala ng lahat. sa isang iglap, pwedeng bawiin kung ano ang meron ka. dahil sa mga nangyari, i learn how to value life more and i'm thankful na somehow ginagawa ko naman ang mga gusto kong gawin habang maaga pa... hindi natin alam, kung nangyari sa kanila yun, pwede ring mangyari satin.
nakakatakot. kaya naman pakiramdam ko kailangang isabuhay ang enjoy life to the fullest. it may sound cliche pero sa mga panahong ganito ang nangyayari sa mundo, bakit hindi?
***
minsan hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangang mamatay ng maaga ang isang bata pa (0-20s years old). sabi kasi nila kapag nagawa mo na ang misyon mo, kukunin ka na ni lord. so sa mura nilang edad nagawa na kaya nila ang kanilang misyon sa mundo?
may kaklase ang kapatid ko na fourth year high school, gagraduate na sana ang kaso namatay siya. pumutok ang ugat habang nagcocomputer. so yun na, ganon kabilis. ganoon kadali. sino ba ang nagdedecide? syempre ang sagot si god. pagdating kaya nung bata sa heaven ipapaliwanag sa kaniya kung bakit siya namatay ng maaga? kasi kung ako yun, magrerebelde ako ang biglaan ka na ngang kinuha tapos ang bata mo pa, parang ang dami mo pang pangarap na gustong matupad pero babawiin din naman bigla sayo ng ganoon kabilis.
well sabi nga nila hiram lang naman ang buhay natin kaya ganun. eh sinong may-ari? well ang normal na sagot syempre si god pa rin. ang complicated talaga ng usapang life and death plus religion. hehe.
naku sana matandaan ko ang mga tanong na ito, tatanungin ko sa kaniya ang mga yan kapag kinuha na niya ako.... pero please lang sana mga 90 years from now naman. haha
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...

i'm sure when the time comes for you to meet Him, you won't have to ask those questions anymore.
ReplyDelete.
.
as for us mortals, all we can do now is live. just live. ;)
hehe onga. :p
ReplyDelete