ang bilis.
ang bilis bilis ng van.
hindi ako makahabol.
ayokong humabol.
sabi niya kasi,
dapat siya raw ang kunin ko.
nagtanong naman ako,
"bakit? ang bata pa niya ha?"
sumagot siya at pilit sa aking pinauunawa,
"kung ang sanggol ngang hindi pa sinisilang,
pinakukuha ko na agad minsan di ba?"
natahimik ako.
wala na akong kibo pa.
humahabol pa rin ako...
lumalakad...
patakbo...
palipad...
ang bilis kasi.
ang bilis bilis ng van.
ang mga puno, kalsada at mga bahay ay parang mga anino na lang...
ayokong magmadali.
bakit dapat magmadali?
ang dilim kasi.
mga ilaw ng sasakyan lamang ang nagbibigay ng liwanag.
ang bilis pa rin ng van.
ang bilis bilis.
pero oras na.
mahabang busina.
nabasag na mga salamin.
katahimikan.
naabutan ko na siya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
at dumating na ang oras ng malakalawakang katahimikan.
ReplyDelete