Tuesday, April 12, 2011

five reasons why i am so single

it was a lazy saturday afternoon at kung karamihan ng mga tao ay nasa mall, kami nasa isang conference hall, having a meeting. tamang kuwentuhan lang, part of our job as writers ay uliratin ang buhay ng isa't-isa para makahugot ng something from them. hanggang sa the magic question pops out again... okay naman daw ako, hindi naman ako pangit (weh? hindi nga? lol) pero bakit hindi pa raw ako nagkakaboypren in my 23 years of existence?

ilang beses nang natatanong sa akin ang magic question na ito bilang hindi naman sikreto sa lipunan na nbsb ako o no boyfriend since birth. madalas kong i-sagot actually is pangit kasi ako (haha) syempre sinasabi nila hindi naman daw sa mukha yun pero kasi naman sa look nagsisimula ang initial reaction di ba? haha pero seryoso i just think that way...

  1. plain and simple, i'm ugly (humanap nga raw ng pangit at ibigin mong tunay. ;p). yeah yeah there is the answer na 'wala naman sa hitsura yan e' shit. haha. pero well sabi ko nga factor yan para magjump start sa attraction. pero noong bata ako may nagsabi na cute daw sana ako kaso bading lang. haha at bukod sa nanay ko may nagsasabi rin naman na i'm not ugly. haha. pero honestly hindi kasi ako naniniwala sa kanila. nagcri-cringe ako kapag na-cocompliment ako actually physically ( i mean syempre matutuwa ka and you feel confident pero basta. haha hindi lang ako naniniwala.lol) thinking na they are just being nice and polite. iniisip ko kasi minsan (mababaw man) na if i'm not ugly bakit walang nagkakagusto sakin? haha. nyek.

    wala naman akong self-esteem issues now. tanggap ko naman kung ano ang nakikita ko sa salamin. minsan i like what i see... minsan hindi. pero yun nga till now kapag may nagtatanong sa akin ng magic question lagi kong sinasabi na pangit kasi ako para hindi na kailangan mag-explain. lol.
  2. kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito?... not. namention ko dito sa blog ko na i have this feeling na to stop my heart from beating sa taong ikinatitibok nito. kapag kasi nalaman ko na wala akong mapapala, unti-unti ko nang shina-shut down ang puso ko at tuturuan itong tumigil na bago pa ako malulong at masaktan. kaya applicable to sa nabasa ko sa tumblr: "i try to teach my heart not to want things it can't have". so kung wala, wala! itigil na bago pa magmukhang tanga.
  3.  huwag ipilit, masakit. ako kasi ang taong hindi pinagsisiksikan ang sarili sa taong ayaw sa akin. gaya na lamang ng first love ko, he is straight so alam kong wala akong mapapala kaya anong dapat kong gawin? refer to number two. tas yung second love ko, he is not straight, may pagasa na sana kaso ang gwapo niya para mainlab din siya sa akin kaya refer to number two again. so bakit ko nga ba ipagsisiksikan ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin di ba? hehe.

    shet kaso siguro mainam naman minsan na maging stubborn, ipagtulakan na ang sarili para magkadyowa! lol
  4. i'll be right here waiting for you. hindi rin naman kasi ako naghahanap. well sabi naman nila kapag hindi ka nga naghahanap mas nakikita mo... pwes hindi sa lahat ng bagay. lol. hindi na nga ako naghahanap, hindi ko pa nakikita paano kapag hinanap ko pa? baka pagtaguan lang ako nun. haha.

    kaya heto best in waiting in vain na lang. as the cliche goes, kung dumating eh di fine, kung hindi eh di fine lang din though minsan naiisip ko na iba siguro ang may karelasyon no? hehe.
  5. choosy kasi ateng... eenie, meenie, miney, mow?! sus mga hot lang ang may karapatang maging choosy kaya may k ako! chos. haha sus. wala akong right na maging mapili pa. panghot at gwapo lang pasok ang pagiging choosy. pero though aminado naman ako na dapat kung magkaka-bf ako dapat may looks naman! haha syempre first eh, dapat ipagyayabang lalo na kung nabreak niya ang aking 23 year old nbsb spell. lol.

    ewan ko. parang naghihintay lang din kasi ako ng spark. haha yan tuloy sa kahihintay ng spark wala akong napala. haha :p
this july, i'll be turning 24. mukhang madadagdagan na naman buhay pagkasingle ko. haha kaya pa naman. sus medyo sawa na ako sa pagtibok ng puso ko sa mga taong hindi naman ako ang itinitibok ng puso. haha so tamang chill lang. ang pangarap ko lang naman ay maging single forever... pero alam ko namang may taong sisira ng pangarap kong ito. hehe.

3 comments:

  1. yung number four, dapat may halong landi din. kasi pano ka mahahanap if you don't expose yourself? hehe

    ReplyDelete
  2. mantap mas bro cma sekedar lihat2 mas udah aku follow tar follow bek mari berteman :D

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...