Sunday, May 1, 2011

i kissed (almost) a girl

she is there sitting in front of me.
suddenly, nagiba ang seating arrangement.
she giggled, not because kinikilig siya kundi dahil nagulat siya sa nasabi niya.
she initiated this. ngar. and i am a complete jerk to fall for it.
maybe because she has nice dimples?
goosebumps, napashet ako, eyes start to dart at our direction....
she is in front of me...
this is it? are we about to...


iba ang nagagawa ng alcohol. pero may ginawa akong bagay na alam kong hindi kagagawan ng alcohol - it is just a bold move with the help of alcohol(haha). i am not a fan of alcoholic drinks (well unless masarap gaya ng tanduay ice.hehe) dahil hindi ko gusto ang lasa at hindi ko gusto ang effect nito sa ulo at sa katawan. namumula kasi ako na parang madreng nakarinig ng bastos mula sa isang open minded na pari dahil sa alcohol. so hanggang isang tanduay ice lang ako and that's it...

but this night is no other night. nakadalawang bote ako ng tanduay ice at that's not all, me and three of my straight friends trooped to a nearby bar and grill para ituloy ang ligaya, mabilis kong sinabi na "titikim lang ako ha?", they said yes but of course papayag ba sila na sila lang ang uminom?

the place is jam packed! the smoke of ulam and yosi add to the inuman vibe with matching dancing waiters na may ala avatar fire bending powers na inaapuyan ang sizzling platters. ooh the place is too cool for me na isang unalcohic fella but then the waitress ushered us sa empty table in between a group of guys and a group of girls. gosh yun pala kami na lang ang missing puzzle to link the group of guys and girls and our story na maintertwine!

dumating ang hotdog at nachos kasama na ang three pitchers(?) of green alcoholic thingies. they assured me na i will love it! well masarap nga. haha one shot then the next shot... shot... shot... then palaki na ng palaki ang mundo namin dahil unti-unti nang nasasali ang table ng group of guys sa kaliwa ko at pati na rin ang table ng group of chikas sa right.

dahil magjowa ang dalawa sa kasama namin at dalawa kaming single, binuyo nila ang aming guy frien na kailangan niyang magpacharming sa chicks sa right table or else he will pay for the bill pag wala siyang nagawa. so syempre pahuhuli ba ako, sino raw ba ang bet ko sa kaliwang table, ayun walang takot kong tinuro si skinny chinito cute guy. haha. biruan lang at first ang dare na kausapin daw namin yung mga type namin. haha syempre dahil mas madali sa mga straight, nakausap ni friend (with the help of our magjowa friends) si girl na bea alonzo look a like. after some lies... well white lies! haha nakadikit na ang table namin sa three girls. chit chats. introductions then sharing na ng drinks (ansarap ng choco thingie nila ha). then the unthinkable happened...

ako: hi i find you cute?
dimples girl: really? i want to kiss you!
ako: game! (ate san nanggaling yun? lesbo!)
*insert buyuan ng friends here*
kanina lang may dalawang tao sa tabi ko bago siya, nagulat na lang ako katabi ko na siya! 
friends: ano na?!
ako: sige pero kapag hinalikan ko siya hindi na ako iinom! (bwahahaha um-oo yata mga friends ko.haha)
natatawa na kami ni ate. napapashet na ako.
friend kong girl: ate (to dimples girl) okay lang yan bading naman siya e... baklaang kiss lang!
aba may attempt talagang kumbinsihin si ateng! haha. eh hesitant si ate, gaga ikaw kaya nagsuggest ng dare na itey! para matahimik si ate,dinemo namin ng friend ko (syempre may consent ng bf niya) ang baklaang kiss (smack lang) para yun sundin niya. haha
ako: ayun ganun lang...
aba di pa rin niya keri, shet ayoko ng uminom! haha napahirit pa tuloy ako ng...
ako: well unless you want something more! (ah eh ateeeeeng san na naman nanggagaling yan?!)
tawanan portion. ready na sana si ate... biglang nadistract siya!
girl: huwag kang tumingin!
napalingon kami sa tinutukoy niya. oooh mula sa mga boys from our left! hihi
girl: parang nakakagago kasi e!
pak! nadugtong na rin sa mundo namin ang mga boys. haha. 
dahil naloka na ang mga kasama ni girl, pinaghiwalay na kami at baka awayin pa niya si kuya. haha 


so ang ending no kiss, i have to drink still pero di naman bawal ang cheating. nyahaha. at nice sinasalo naman ako so keri. haha. and it turned out na yung kuya na tumitingin ay type pala si dimples girl at dahil nabreak ang ice tinanong na niya ang number ni dimples girl.

hindi naman ako pahuhuli, ako naman ang nagtanong kay kuya with matching point sa crush ko, "eh siya pwede ring kunin ang number?" surprise surprise... pwede raw.kilig pakingshet. nyahaha. aba hindi pwedeng mawala ang pasweet at maria clara image ko kaya may pahabol akong message, "syempre dapat okay lang sa kaniya..." nagthumbs up - ay isa lang palang thumb, so nagthumb up naman si skinny chinito crush. SHET! tagumpay! then umalis na sila. waaaah. ayun eh di walang pakundangan akong kinilig! hihi

pero hindi ba diyan nagtatapos ang kuwento. hetong si dimples girl tuso, nireveal niya samin na hindi niya tunay na number yung binigay niya kay kuya! hindi niya raw type! ako yata ang type niya. CHOS. (haha feelingera).

kaya tuloy shucks medyo may kaba sa puso ko...
yung binigay kaya ni kuya na number ni skinny chinito crush ay true din?

hmmm matext na nga... :)

6 comments:

  1. yum yum yum! hehehehehe.. I kissed a girl and I liked it- nakaka relate po. Kaya lang nag iba na rota ko nagyon. hehehehe

    ReplyDelete
  2. hahaha! ikaw nga ata ang type! hahaha

    ang kiss naman ay general, pero maedyo maarte mag-kiss ang mga babae. hehe

    ReplyDelete
  3. haha tim. hindi naman natuloy ang akin kaya medyo okay lang.haha

    green breaker ah talaga? paanong maarte? idemo mo nga sakin kung paano ang maarteng kiss?dyok lang. haha

    ReplyDelete
  4. aylav aylav aylav.

    you have never lost it at all, KC.

    nakakalokang inuman yan. pwede bang puro bakla na lang ang mga kasama mo next time?

    uuwi ako sa hunyo. magnite out tayo!

    ReplyDelete
  5. @tiya kiks: true. hindi ko rin bet. haha wow see you sa june! :)

    @wandering: true lason na lason. buti na lang hindi ko kinagat ang apol kundi sleeping byuti nako ngayon. chos,

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...