ngayon na raw ang pagkagunaw ng mundo.
anong time zone ba?
mawawala na lang ba akong bigla na ala rupture? habang tinatatype ko ba ito biglang mamamatay ang kuryente, isang pagyanig at -
ayun hindi ko natapos ang blog dahil nagsimula nang yumanig ang buong araw na lindol.
uulan ba ng bato? ng apoy? ng putik? ng meteor?
o bigla na lang tayong magiging asin?
baka naman paglabas ko mamaya may mga zombie na sa hagdan na naghihintay ng aking utak (e baka wala silang mahita. chos. haha). baka naman walang katapusan na ulan na lulunod sa ating lahat. pero pwede ring sabay-sabay na sasabog ang bulkan o biglang may pagatake ng mga man eating lamok na papapak sa lahat ng taong makita.
well fortunately wala pa naman akong nasisilip na sakuna sa bintana.
predict ng predict kung kailan ang end of the world. baka practice lang para sa 2012.
hindi pa pwedeng mag end of the world.
hindi pa ako nagkakaboypren e! haha
wala pang nanalo sa lotto na 250 milyon ang premyo eh balak kong ako yun...
marami pa akong pangarap na gustong matupad.. gaya ng makalibot sa ibang bansa, makatapos ng MA, magturo sa college, malibot ang pilipinas at magmahal! (naks. :p)
pero sad naman no? end of the world na wala man lang akong masabihan na mahal kita at magkita tayo sa langit. ahaha.
teka sabi 6:00pm daw ang time na magugunaw ang mundo sa pilipinas kaya teka lang tatlong minuto na lang kasi yun ayon sa orasan ko sa laptop.
pwedeng tumengga muna at makiramdam.
...
shet walang nangyari. oh no baka filipino time. baka later pa. chos.
***
kung tutuusin ito na ang pangalawang beses ko nang nasurvive ang end of the world. ang una? eh di ang y2k bug na kinapraning ng mga tao nun bago mag year 2000. ilang beses ding sinabi noon na end of the world na, pero well as usual walang nangyari.
ngayon dahil lagpas six na parang wala pang nangyayari unless delayed nga. another epic fail for the believers. hindi ko alam kung bakit pinipilit nang tapusin ang mundo, ayaw na ba nilang mabuhay? pero i guess dala na rin siguro nito yung takot na biglaan na lang or yung takot sa kamatayan.
nakakatakot nga naman pero kasi naman kung naprepredict ang end of the world, e di ang taray lang. at least mapaghahandaan natin. masasabi natin sa mga taong mahal natin na mahal natin sila, magpapakabait tayo at magpapakasaya bago ang sinumpang date. pero syempre dream on. walang nakakaalam kung kailan at walang makakapagsabi kung paano. surprise daw.
what if wala naman palang end of the world? dahil ang end means our death as individuals. iyon ang katapusan. pilit nating hinahanapan ang katapusan ng mundo pano nga kung wala? pero kung may end of the world nga? pero tayo naman pala ang cause nito? you know the global warming shit? howell.
hay kaya relax. enjoy life! kung dumating man ang gunaw, so be it. at least alam mong naenjoy mo ang buhay. party party lang. so kung epic fail now at feeling mo hindi ka pa handa, may isang taon ka pa para magprepare. tandaan end of the world na rin next year...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
guess who's back?
ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in. birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
manananggal sa bintana mahina ang hum ng tv habang sinasabayan ito ng mga kokak ng mga palaka sa tag-ulan. malalim na ang gabi at naluluno...
hahahahahaha!
ReplyDeletenatapos ko ang post nang hindi man lang nagunaw ang earth. malakas lang ang ulan sa labas at tila nagunaw na ang life ng isa kong toenail...
kung sakaling hindi naman napostpone to june ang end of the world as we know it, magkita tayo. uuwi ako!
ayoko pa maging skeleton.. haha. at hindi pa pwede kasi wala ka pang boyfriend teh. haha..
ReplyDeleteayun. as it transpired, walang namang gunaw na naganap.. so we better just enjoy life like its always the end of the world the next day..
Chaka naman kung nanalo ka ng 250 million sa lotto tapos end of the world na pala. Kainis yun! Mag BF ka na lang.... achievable pa! Pls lang! Sa ganda mong yan? Chos!
ReplyDeleteHaha. I did party like its the end of the world! =p
ReplyDelete.
.
at mabuhay ang mga wala pang boyfriend!! Talagang hindi pa magugunaw ang world kasi kailangan muna natin magka-love life. Nyahaha ;D
haha tiya kiks! taray dali kitain din natin sina godess. hehe :) can't wait.
ReplyDeletegreen true. bawal pa akong mamatay dahil hindi pa ako nagkakaboypren. pakshet.
tama enjoy enjoy lang bestfriend! haha kinlaim ko na! :p
may point ka ateng lyka sobrang laos nun. haha
bwahahaha sana may boylet ngang maatim ang ganda ko. nyahaha
tama! desole binata ka naman, binata rin naman ako...ano pang hinihintay natin?
haha mukha lang akong desperada. haha