noong biyernes palang, hindi ko ito inasahan, pagkakitang-pagkakita ko palang sa'yo na love at first sight ako. hindi mo rin naman ako masisisi, sa gitna ng makulimlim na panahon hindi ko maiwasang mabighani sa taglay mong ganda... napatigil ako e, siguro ito na yung cliche na sinasabing you take my breath away...
![]() |
| spell green? c-o-r-o-n |
![]() |
| si heidi na lang ang kulang |
sabado, hindi ko inalantana ang ulan, masaksihan ka lamang. hindi rin matutumbasan ng ilang kagat ng lamok ang aking pagtitiis makapiling ka lamang. mula sa mga lawang hindi ko masisid, o pakikipaglaro sa mga isda... lahat ng surpresa, fine, huling-huli mo na ako. ako'y iyong-iyo na.
![]() |
| paraiso |
pero ang lahat daw may hangganan, ang matamis nating pagiibigan ay nakatakda rin palang matuldukan. wala lang, naipaglaban na natin to sa malalakas na ulan at napagdasal na sana lumayo na ang bagyo...pati langit, nakisabwatan na sa ating pagmamahalan.
![]() |
| luntian |
ambilis ng pangyayari. sinubukan mo akong pigilan, pero mas malakas sila sa'yo... oras na para tayo'y magkalayo... pero alam ko naman na meant to be tayo.
oras na para magbalik sa lungsod... sa lungsod na hindi kita nakilala. heto na. kaharap na naman ang mga makinarya, nasasabik na muli kang makaulayaw.
paalam, hanggang sa muli.
salamat sa mga ala-ala.





Papi, nakakarelate ako sayo. Kung kayo talaga, kayo talaga. :)
ReplyDeleteMasaya ko para sa yo.
I sooo love this post!
ReplyDeleteSometimes,we cant find love talaga in our own backyard. We have to explore to discover.
Love ko toh! Pls lang!
ikaw na talaga bespren! may pics pa. wahaha. :D
ReplyDeletemahilig ka pala sa green. joke lang. i'd love to see that specific hue of grasses..
bwahahahaha!!!
ReplyDeleteang gandah !!
yun lang :)
naku desperate salamat sa pagiging masaya para sa kin. haha
ReplyDeletepunta kang coron and you will fall in love too. :)
super uber salamuch tiyang lyka!! hehe iba nga ang pakiramdam ng bagong lugar. :) gusto ko yung we have to explore to discover. agree ako diyan!
bespren ako na talaga! haha
hindi naman masyado, sapat lang. malamig sa mata ang green. :)ay bespren sobrang ganda ng green ng grass at ang contrast sa pagkagreen din ng bundok. fabulous! hehe
gayzha maraming salamat po madam! :p
Ganda nung green! Love to sream dyan, iiyak.. alam mo yung EMO lang.. hehehehe
ReplyDeleteWala talagang hihigit pa kung ang kasiping mo ay ang kalikasan :)
ReplyDeletePalawan is really a place to visit! :)
nice feet hehehe
ReplyDeleteang emo mo nga tim naimadyin ko naman pag-iyak mo sa kabundukan. hehe
ReplyDeletesinabi mo pa yehosue! sobrang ganda ng palawan. ibang klaseng experience!
oh imnotsoconio thank you. sana naging paa na lang ako. CHOS. hehe :)