finally nagsimula na ang aking first MA class bilang natatapat lagi na holiday tuwing monday. so ngayong monday this week lang kami nakapagklase.
mga tauhan:
isang magaling na nobelista bilang aming propesor.
isang pari na isa sa aking tatlo lang na kaklase.
isang babae, ang rose among the thorns.
isang propesor ng kolehiyo.
at isang mayumi, dalisay at tunay na busilak na nilalang. (hint, ako yun)
chors. in fairness interesting ang aming mix hano? fun naman ang first day though kailangan kong makinig ng mabuti kasi nga dahil matanda na si sir, medyo mahina na siyang magsalita. nagkaroon ng on-the-spot na tanungan halimbawa kung anong topic ang nais isulat... ako ang unang tinanong at dahil dalisay ako, busilak at mayuming tunay ang sinagot ko ay...
ang TULI.
yes. eh bakit? haha pero seryoso fascinated kasi ako sa kapangyarihan ng tuli sa ating lipunan. kapag hindi ka tuli, alam mong may stigma ka.
so dahil doon umikot tuloy ang usapan sa well.. sa ano pa ba... sa bagay na tinutuli. hihi. personally, kebs lang pero parang may awkward moment dahil nga may babae at may pari sa klase. haha pero maganda naman ang mga insights na nabatuhan.
mula sa mata ng relihiyon, ibinahagi ni father na noong unang panahon nirequire na kailangang matuli lahat ng mga katoliko or else hindi sila magiging tunay na kristiyano pero of course dahil lang iyon sa pulitika ng mga relihiyon noon na may kinalaman sa pagiging hudyo and all.
tas syempre nagalugad din ang punto ng syensiya na mas hygenic daw ang supot at mas masarap daw sa sex... shet naalarma ako for father. chos lang. and then ang sumunod ay ang mga pamahiin na sa probinsiya daw ni sir, kapag hindi raw tuli ang ama, ang mga magiging anak ay mutain. funny.
ayun.
so doon iikot ang assignment ko for next week. though pwede naman daw baguhin. well i think i will stick with it. shet tumatambling ako ngayon balancing school and work, sana totoo na lang yung time turner ni hermione para ako na ang best in multi-tasking.
anyway imagine kung ano kaya ang distress na maibibigay sa taong supot lalo na sa isang society na kinahihiya ang pagkasupot? parang hindi niya maexercise ang power ng kaniyang phallus. or the other way around? na siya pala ang pinakamakapangyarihan? ang sinasamba dahil sa sarap na kaya niyang ibigay sa mga dalaga (at binata. chos) sa kanilang nayon?
***
howell, naalala ko lang noong bata ako na sobrang big deal kapag hindi ka pa tuli bago mag-grade 5 at kapag maaga kang tinuli ang yabang yabang mo na. pakiramdam mo ang tapang tapang mo na dahil nakaya mong harapin yun sa kabila ng pagpalahaw ng ibang bata. feeling mo tatangkad ka na at magbibinata.. well in my case, nagdalaga ako. chos. right of passage ika nga nila, coming of age at tunay na lalaki ka na raw kapag tuli ka na.
tinuli ako bakasyon bago mag grade 5. kailangang langgasin kung ayaw mangamatis. haha thanks to dahon ng bayabas. pero ang pinakamemorable noon habang tinutuli ako ng doktor sinasabi niya na dapat sa girls daw ginagamit ang pototoy at hindi sa boys. eh ang dami pala niyang alam e. chos. haha syempre hindi sa lahat ng bagay susunod ka sa mga doktor di ba?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
ayus sa topic! I agree. maganda ang topic because it covers a socio-cultural aspect, science and medicine, religion, personhood, etc....ituloy mo lang. Creative writing ba ito? Good luck!
ReplyDeletehahaha tuhmoh!
ReplyDeleteako pagka grad pa ng grade six tinuli!kakahiya may buhok na!LOL!!!!
Well, ang mga kano hindi naman tuli. Pero benta sila sa porno. :)
ReplyDeleteEchoing Mr. G, it is an interesting subject to tackle. :)
tama mr.g sa malikhaing pagsulat. :)
ReplyDeletehahaha mac keri lang yan. hehe better late than never. lol
manech haha sinabi mo pa. thanks. :) and yeah, sa tuli na nga ako nauwi. hehe