Monday, July 4, 2011

bestfriend material

"im so stupid to make the biggest of falling in love with my best friend!"

pucha, ipapatambang ko ang taong hindi may alam kung sino ang nagsabi niyan. hay sinabi yan ni bujoy kay ned sa labs kita, okay ka lang na ginampanan nina jolina magdangal at marvin agustin respectively. howell sana may magsabi sa akin niyan hano? haha at isasagot ko sa kaniya sagot ni ned kay bujoy. nyahaha.

pero seriously, lately i'm asking myself bakit wala pa akong boypren? magbebente kwatro na ako wala pa akong nakakarelasyon.

then suddenly it hit me...

pang best friend lang yata talaga ako!


alam mo yun? pang nikki valdez, pang dimples romana at pangtricia roman na role. bakit? sabi ba ni direk bawal magkaboypren ang matalik na kaibigan ng bida? haha.

oh well. pero i think magaling akong maging kaibigan. feeling ko lang ha. haha. i'm more of a listener pero kapag kailangan ko nang magsalita, ayoko ng echosan, deretso na. hindi ako yung klase ng kaibigan na nangungunsinti. gusto ko kasi yung totoo at yung tama, kapag naghihintay ka ng advise na gusto mong marinig at i-advise sayo, pwes hindi yun ang sasabihin ko. dahil kaibigan mo ako, sasabihin ko sa'yo ang totoo. oh di ba ang galing kong friend? haha

kaya ayan tuloy, maging friend na lang daw ako. ahaha.

honestly, nawiweirduhan ako sarili ko. hindi kasi usual sa akin ang magkaganito, i mean ang mamroblema dahil sa puso bilang masaya nga naman akong single. hay. pero dahil tao lang ako, hindi na maiiwisan. actually naghahanap lang ako ng bagong experience. yung tipong ano nga ba ang pakiramdam ng may nagmamahal sa'yo romantically?  magbabago ba ang worldview ko? may nagsabi sa akin na friend ko nung inaaway ko siya dahil sa katangahan niya sa pag-ibig dahil daw hindi pa ako naiinlove ng sobra kaya wala raw akong karapatan. eh sabi ko sa kaniya, nainlove na ako pero di ako kagaya niyang tanga. haha anyway baka maging tanga nga ako. ewan ko. hindi ko malalaman hanggat hindi ako magkaroon ng karelasyon.

hay paano nga naman kasi ako magkakarelasyon? bestfriend material nga lang yata kasi ako. ako yung tipong makakaray mo ng biglaan (kung di busy at di tinatamad. haha) kapag gusto mong lumabas ng dahil wala lang. yung taong mapapatawa ka, makakakulitan, masasabihan ng problema sa puso, pwede mong gawing bridge.. hay best friend material talaga. haha

pero seryoso na ako ngayon, dahil ilang linggo na lang 24 na ako, hindi naman siguro kalabisan na maghangad kay mam charo ng lead role. masyado na po kasi akong naca-cast sa bespren role, pwede po bang bida na? yung bidang may love story, mapait at masaklap man ang storyline tatanggapin ko. haha.

sinong pwedeng maging leading man? :p

4 comments:

  1. Ganun talaga. Antay lang. Darating ang panahon na mapapansin din tayo ng mga taga industriya ;D

    ReplyDelete
  2. OMG Jaymar. The story of my life. Natawa ako sa line mo na 'Pang-bestfriend lang ata ako'..Super can relate ako ngayon friend. Nakakatawa kasi twice na nangyari saken that the guys I like, may gusto pala sa best friends ko! Grabe, napakahusay ko ata mamili ng kaibigan. =))

    ReplyDelete
  3. Hahah! So elementary naman si Marvin-Jolens. duh!

    Haha, sabi ko sayo bespren. hanap ka na ng pwedeng kirein jan sa inyo. hihi

    ReplyDelete
  4. tama DB abang abang lang. haha

    pak bespren roles ftw jigs! :p

    bespren haha eh patok naman sina marvin jolens. haha eh sana lang may kakarir karir samin bespren no? haha

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...