Wednesday, July 20, 2011

asa ka pa

asa ka pa.



sa isang maliwanag na kuwarto ginagala mo ang iyong mata.
nagtama ang inyong mga paningin.
ngumiti siya sayo.
kinilig ka at napangiti ka naman.
wala ka nang naririnig, sa kaniya na umikot ang iyong mundo…
palapit siya sayo pakshet! god anong gagawin mo?
inabot niya ang isang notebook.


guy: pakisulat naman ang number… 
ikaw: sure.


buong ngiti kang sumulat sa notebook at pwede ka nang mamatay. 
***
ano ba ang totoo te?
guy: guys, pakisulat naman ang numbers niyo.
ikaw: sure.


sinulat mo ang iyong number sa notebook kasunod ng ilang mga numbers na nauna pa sayo.  
mas aasa ka pa ba?

tensiyonado ang silid.
nagpapalitan kayo ng mga walang kasiguraduhang tingin,
hinahapuhap ang mga sagot sa mata.
walang makita.
single siya.
kahit kailan hindi siya nagkanobyo.
ikaw din naman.
kahit kailan hindi ka pa nagkaboypren.
dahil doon, nakantiyawan siya.
manligaw daw siya.
nagtawanan ang lahat.
ikaw daw ang ligawan para maranasan nyang mabasted.
tinanong ka, babastedin mo ba siya?
tumango ka.
buong puso mong sinabing oo. babastedin mo rin siya.
hindi dahil yun ang totoo.
dahil sa utak mo naglalaro ang tunay na sagot…
hindi mo siya babastedin.
kasi natutuwa kang makita siya sa klase niyo.
kasi ano…
ah basta. 
pero sinagot mo pa rin oo, kasi babae siya.
kahit kailan, hindi pwedeng magkatuluyan ang babae at bakla. 

4 comments:

  1. Ayayay!

    Pechay itez, anufilch?

    Nako, pwede! haha. Gogogo bespren. Bat ayaw mo ng babae? hehe :D

    ReplyDelete
  2. Uso ang green living ngayon. Go organic!! Chos!!

    ReplyDelete
  3. @kalansay

    yuck!!! bilat!! yuck!!! whahaha!

    @green

    ay nako, ang mga dyosa hindi nakikisama sa mga lamang lupa! wahahah!!

    ReplyDelete
  4. bwahahaha bespren hindi ko beeettttttt. hahahahahahah AYOKO! :p not so me. hehe

    DB hindi ko balak makiuso. eew. haha

    yuck talaga wilberchie shet feeling ko nasapian ako. haha eeewww

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...