Sunday, July 31, 2011

the L.U.H.A. project error

nagexpire na yata ang aking mga mata sinta.
nakikita kita,
malinaw na malinaw pa ang iyong mukha
sa aking alaala.
ngunit hindi na sila nadadaluyan,
ng mga patak ng tubig na namuo dahil sa tuwa
at sakit.
o mula sa panibugho
at galit.

pasakit yata ang kailangan kong baterya mahal ko,
para muling bumukal ang ilog ng aking corona,
o kaya'y ang iyong matamis na ngiti,
kuryenteng bubuhay
sa dagat ng tuwa ng aking iris na nanamlay.
dati-rati kasi, ikaw lang ang nagbibigay kulay sa aking retina,
kaya halos bumaha ang batis ng ligaya..
na ngayon ay tila tagtuyot na.
sige na, ipadama mo na baby,
para di na ako magduda
kung nakalimutan ko na ba kung pano ang humikbi.
hayaan mong maramdaman kong muli ang mainit na agos sa aking pisngi.

pero ano ito darling? kahit ilang beses mo akong saktan.
at lokohin.
at bugbugin.
at paligayahin.
mahalin mo man ako o hindi na ibigin,
hindi pa rin nanlalabo ang aking paningin.
dahil sa mga butil ng likidong naiinip nang humalik sa hangin?

hay, oo nga. baka tuyo na ang balon sa aking mga mata.
maging sa vicks sila ay nahiya.
kahit ano pang hakbang mo palayo sa akin
o bantang pagiwang muli,
hindi na sila gumagana.
baka naman kasi nakaprogram na sila
na kahit kailan hinding-hindi na sila iiyak pa.
kaya sana muli mong ipaalala,
kung paano nga ba ang lumuha.


*isang tula para sa katuwaang pakontes na ito. :)

11 comments:

  1. Aahay! grabe, ang brutal naman bespren, talagang para lang magkaluha, may magpapaalala pa!

    ReplyDelete
  2. salamat sa pagsali...maybe d love is gone na kaya din mo na makuhang lumuha..or di kaya nasanay kana kaya wala na talagang mailuha..naging manhid dahil sa mga pasakit nakaranasan...

    ReplyDelete
  3. haha bespren ang tagal ko nang hindi umiiyak! :(

    thanks nate! :)

    hi iyak_khin actually it is not based on my life kasi NBSB ako. hehe pero gusto ko lang itula ang pagkamiss kong lumuha. :) thanks! :)

    ReplyDelete
  4. iluha lang naten! haha. salamat sa pagbisita kaibigan! :D

    ReplyDelete
  5. ayos ang mga storya mo pre ah!! sisiguraduhin kong mababasa ko to lahat! kahit na napakarami na! hahaha! pa follow din sir! thanks!:-) im just starting

    ReplyDelete
  6. walang anuman drama king! bisita ka lang ng bisita. :)

    leonard followed back. hehe uy salamat. talaga lang na babasahin mo lahat ha? sige humanda ka sa quiz after. lol

    ReplyDelete
  7. thank you sir. hehehh!!
    osige! bgyan mo ko ng quiz, pwede exam nalang! nyahahah!!

    add mo naman ako sa FB sir

    lei_heart21@yahoo.com

    mag message ka sir para ma accept ko po:-)salamat!

    ReplyDelete
  8. ang lalim naman pagkakasulat, cguro ganun talga kapag sanay ka ng masaktan, mas magiging matatag ka.

    ReplyDelete
  9. ADA has now stated that the QUEEN and DASSAULT own OSIRIS - EXCLUSIVELY - they out the money and their idea into that HELL- HOLE for CHILDREN and for PROFITS!.....
    THIS will help MOB and RAP down the BRITISH CORRUPTION!
    Give your info to MANN!

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...