Friday, July 29, 2011

randominic ochoa

so lumipas na nga ang araw na ito na kung ihahalintulad naman sa ibang araw ay wala namang pagkakaiba. ang kaibahan lang ay magdadagdag na ako ng isang taon sa age.

pero kapag nagbebirthday yata talaga ang tao required ang maging emo at senti. haha or baka dahil lang sa weather? wala lang. parang maglalakad ka palabas ng bahay na may iba sa pakiramdam mo pero alam mong normal lang naman. it's like an ordinary day na ginawa mo lang pasko or nalagyan lang ng label na birthday.

wala. ewan ko. normal lang ang araw. trabaho. chikahan. nanood ng isang pelikula sa cinemalaya sa up. kain. normal. ang iba nga lang ay dagsa ang bumabati sayo sa facebook, twitter at sa text. masaya. kasi may mga taong nakakaalala. pero parang mas masaya siguro kung walang facebook no? para test kung sino talaga ang hindi nakakaalala. haha hindi ko naman sa para lang manumbat, pero wala lang. gusto ko lang yung feeling na biglang may magtetext sayo na matagal na kayong hindi nagtetextan tapos babatiin ka. haha surprise surprise! akala mo patay na yung taong yun, hindi pa pala. ang galing lang. hehe

howell 24 na ako. wala pa ring boyfriend. natutupad na ang pangarap. may mga ilang pangarap na sinisimulang tuparin. ganito pa rin. mas nagrow siguro. may mga bagay na iba na ang pananaw ko. panibagong taon na naman ang bubunuin. excited na ako sa surpresa ng pagiging 24.

ang random lang ng post na ito actually. ang peg ko rito random journaling. haha imbento. kung ano lang pumasok sa isip ko. actually inaantok na ako. maaga pa ako bukas e. may class. nakakatamad pero syempre papasok ako.

ano na?

actually ang pinakatumimo sa puso ko? late na kasi akong umuwi at sanay naman ako na maabutan ko ang pamilya ko na tulog na pagbukas ko nang ref... ayun may box ng goldilocks cake. hindi ko alam kung nabuksan na... paano nga ba bubuksan, wala naman ang ihihip ng kandila.

2 comments:

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...