premiere night hoolaboo.
isang araw nanalo si sis lei ng premiere night tickets para sa pelikulang immortals.
syempre bumida ako para sumama at mabuti naman at free ako kagabi.
so kasama sina lei, aldrin at kokoi, rumampa kami sa gateway para sa nasabing film.
so gaya ng usual movie premiere night, bago ipalabas ang pelikula may mga pakulo muna ang mga sponsors at kasama na rito ang isang game.
sa game na yun nangyari ang pasabog….
may tanong ang mga host at kapag nanalo ka may premyo kang executive optical na eyeglasses. syempre sinong may ayaw ng shades di ba? gaya na lamang ng bida nating si ate…
host: magbigay ng isa sa mga cast ng immortals!!!!
takbo si ate, hello alam niya ang sagot at she is sooo confident….
ate: ANGEL LOCSIN!!!!!!!!!!!!
BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOG.
bwahahahahhahahahahhaa shet sorry seryoso si ate.
well ansama ko. pero anong magagawa ko bumenta sakin. haha
well ansama ko. pero anong magagawa ko bumenta sakin. haha
sobrang funny. binuo nito ang araw ko.
nakakaloka.
entertaining naman ang film.
inabangan ko lang si angel locsin kaso hindi naman siya lumitaw!
argh.
argh.
currently reading:
“have you ever found god in church? i never did. i just found a bunch of folks hoping for him to show. any god i ever felt in church i brought in with me.”
| — |
celie, the color purple by alice walker
|
the color purple by alice walker.
well if you want soap opera-ish plots, women empowerment, lesbo action and black people plus history, you will love this book. nahook naman ako infairness.
shucks ang nakasunod ko pang babasahin ang amapola sa 65 kabanata ni sir ricky, hunger games series tas battle royale. tapos pinangako ko rin na sisimulan ko na ring basahin yung mga nakatambak kong libro na matagal ko ng binili. ugh.
currently busy because of:
as ususal writing work.
grabe. :p
grabe. :p
current addiction:
- milk tea.
- revenge series.
- boys. chos.
- kenneth cole reaction perfume.
current wish:
- love life.
- external hard drive.
- new bag.
- new wardrobe.
- tattoo.
namiss ko yung mga posts ko dati. ewan ko parang mas entertaining at mas may laman posts ko dati pag binabasa ko. haha well feeling ko lang ha... baka jaded na ako or baka naman nawalan lang ako ng inspiration or baka ayaw magsulat. haha kasi naman trabaho mo nagsusulat ka na tapos sa free time mo magsusulat ka pa rin? well i love writing so much no? lol.
well siguro nga wala lang akong inspiration.
siguro i'll blog again.
...yung gaya nung dati.
panalo si angel locsin sa immortals KALOKAH!
ReplyDeletehahaha!kawawa na nakakatawa naman si ate!
ReplyDeleteoo panalo siya conio well deserved sa kaniyang hollywood debut! bwahaha
ReplyDeletenaku mac true. nakakaawang nakakatawa si ate. at akala ko bibigyan siya ng prize. laos.