september 2007 milenyo.
walang kuryente noon habang sa kadiliman dinig na dinig ko ang ugong ng hangin sa labas.
nakakatakot.
hindi makatulog sa init.
paikot-ikot sa sopang aking tinutulugan.
pagbungad ng umaga, animo'y gabi pa rin dahil sa kadiliman.
nasa ika-limang palapag kami ngunit pilit na pinapasok ng tubig ulan ang kuwarto.
basa ang kurtina.
basa ang kama.
basa ang sahig.
sumunod na araw makikita ang iniwang bakas ni milenyo.
nagmistulang nagkaroon ng kagubatan dahil sa mga sanga ng puno sa daan.
binabaybay ko noon ang kalsada ng qc at maynila patungong ust.
bakas ang kasiraan sa lahat ng madaanan.
wala kaming pasok noon.
pero kailangan pa ring pumunta sa paaralan.
dapat kasi noong araw na iyon ay ipapalabas ang aming play sa aming theater org.
espesyal sana yun kasi iyon yung kauna-unahan kong three act play na naisulat.
sakto.
pre-hispanic philippines ang setting ng dula.
mula sa mga nagbagsakang puno sa unibersidad, kumuha kami ng mga sanga.
ng mga dahon.
ng mga kalat.
basta para maisiksik ang kapirasong gubat sa entablado.
iyon si milenyo.
nanalasa noong nasa ikatlong taon ako sa kolehiyo.
september 2009 ondoy.
hindi namin inalintana ang sama ng panahon.
kebs.
sa aming trabaho, bihira ang free time.
kaya oras na may free time, sunggaban na bago pa mawala.
kaya ayun kung makapunta kung saan-saan parang walang bagyo.
maulan noon.
pero ano nga ba ang kaibahan noon sa mga nararanasan nating ulan hindi ba?
sanay na tayo sa ulan.
nasa starbucks kami noon sa araneta habang hinihintay tumila ang ulan.
madaling araw na pero as usual buhay pa rin ang cubao.
magaalastres na yata noong nakauwi ako.
dahil sa lamig, napasarap ang aking tulog.
hanggang sa kinabukasan,
tanghali na akong nagising para pumasok sa opisina.
nagulantang ako sa balitang tumambad sa akin.
ang inakalang ordinaryong ulan ay kumitil na pala ng higit 500 katao.
maraming nalubog sa baha at walang pinili ito mapaordinaryong tao man o sikat na artista.
naging burak ang marikina.
dati siguro binabalewala ng mga manilenyo ang pagdating ng bagyo dahil kadalasan sa mga probinsiya ang tama nito.
pero nawindang ang lahat noong ondoy.
wasak na wasak ang lungsod.
nagkaroon din ng telethon noon sa telebisyon at nakibahagi naman ako.
masaya, iba ang experience.
public service kung public service.
at dahil sa ondoy, isinilang ang isang dula na pinlay muli sa aming theater org.
iyon ang pinakapaborito kong dula na isinulat namin ni xi.
ang timely din noon e.
hanggang sa lumipas ang dalawang taon, naging alaala na lang si ondoy...
september 2011 pedring
ang nakakatawa, sa mismong araw kung kailan nanalasa si ondoy, isang mapanirang bagyo na naman ang dumating.
may dala itong mabagsik na hangin.
iyong tipong pwedeng scoring sa horror movie.
nakakatakot.
parang may sariling buhay.
kasama nito'y malakas na ulan.
nasa loob lang ako ng bahay.
may tinatapos habang nanalasa ito.
naulit na naman.
hindi ko alam kung natuto na ba tayong mga pinoy.
ang mahirap kasi ang dali nating makalimot.
lahat yata tayo may selective amnesia e.
kapag dumaan na move on na agad.
wala namang masamang magmove on agad,
pero may point kasi kung bakit nangyayari ang mga dapat mangyari.
howell.
pero kung ikukumpara sa bilang ng namatay, malayong-malayo ang pedring sa ondoy.
kung ito ang sukatan, e di maganda.
nakapaghanda na nga.
howell.
habang isinusulat ko ito, umuulan sa labas.
isang bagyo na naman ang dumaan.
hay kay daming winasak na tahanan...
hindi naman siya si tukso.
Wednesday, September 28, 2011
Monday, September 12, 2011
ewan ko
bigla akong napaisip.
baka kaya wala pa akong boyfriend kasi hindi ako boyfriend material?
ano nga ba kasi ang boyfriend material?
actually hindi ko rin alam.
pero masasabi kong okay akong kaibigan.
anong connect nun?
kapag okay bang kaibigan ibig sabihin okay ka rin pagdating sa pakikipagrelasyon?
hindi ko alam.
never pa akong nagkakabf e.
so hindi ko alam.
honestly, gusto kong maranasan na.
pero natatakot ako.
what if hindi pala ako bf material?
pano kung hindi ko maibigay ang mga dapat maibigay?
hay wala pa nga e ang dami ko ng alinlangan.
ang choosy ko kasi hindi naman nababagay sa ganda. lol
pero seryoso.
may trust issues kasi ako.
kaya it's hard for me to reach out.
pero ironically i like meeting strangers.
ang gulo no?
pero may trust issues.
hindi ako madaling mainlove.
pero minsan tinatamaan naman ng love at first sight.
matagal akong maging ease sa isang tao pero nakakapagopen ng bigla bigla sa stranger...
ewan.
pero minsan kasi mas maluwag magopen sa taong hindi mo kilala.
kasi hindi ka nila agad-agad majudge.
ewan ko.
actually hindi ko na rin alam ng punto ng blog na ito.
siguro kailangan ko lang ilabas ang aking pagaalinlangan.
...sa buhay.
...sa bahay.
...sa puso.
ewan ko.
baka kailangan ko na ngang magkaboyfriend. haha
sus.
parang ang dali no?
nasabi ko na gusto ko pero hindi ako naghahanap.
sabi ng kaibigan ko bakit hindi raw ako maghanap kasi weird daw na gusto pero hindi umaaksiyon.
ewan ko.
pakiramdam ko hindi naman kasi ito basta-basta goal lang.
hindi kagaya ng paghahanap ng trabaho.
weird talaga kapag gusto kong magtrabaho pero hindi ako naghahanap di ba?
eh heto ibang level.
ang pagmamahal hindi hinahanap di ba?
kusang dumarating.
pero alam kong dapat maghanap pa rin kahit papaano.
ang gulo.
ewan ko.
bahala na no?
bakit ba kasi?
hay.

Monday, September 5, 2011
magkano ba si happiness?
magkano nga ba si happiness?
piso?
sampung bilyon?
isang daan at animnapung piso at bente singko sentimo?
hindi raw nabibili ang kaligayahan. well sabi ko nga sa fb status ko the great things in life are free and the greatest are.. well expensive. truly, money can't buy happiness. :p
naniwala rin ako na hinding-hindi mabibili ang kaligayahan.
pero noon iyon. naniwala ako na hindi mabibili ang kaligayahan. oo totoo pa rin naman na the best things in life are still free pero minsan the bestest are expensive. haha. sa mundo na puno ng commodity, pati ang kaligayahan nagiging produkto na rin.
ang pera papel lang daw yan.
sige nga sulatan mo ko gamit ang pera tapos ipadala mo sa akin. i'm very glad to read your letter. hehe. pero aminin man natin o hindi, pinapaikot tayo nito.
pero syempre nasa atin iyon kung paano nating gagamitin ito para sa tunay nating ikaliligaya.
nabibili na rin pala ang kaligayahan ngayon.
magkano nga ba ito?
sa pulubi mura lang.
ang piso at limang piso ay malaking halaga na para pumukaw sa kaniyang nagugutom na sikmura.
sa estudyanteng walang pangtuition, libo-libo.
depende sa pinapasukang paaralan.
sa misis na nais dugtungan ang buhay ng naghihingalong si mister, ito medyo mahal, siguro aabot ng milyon. gayon din sa inang nais iluwal ang anak na nanganganib na hindi makita ang mundo at sa lalaking walang hinangad kung hindi matupad ang dream wedding ng babaeng pinakamamahal.
iba ang dulot ng unang sweldo sa iyong unang trabaho mas lalo na sa iyong mga magulang na unang pinagabutan mo nito.
sa kaibigang nangungutang at nangangailangan ng tulong, paniguradong saya at kapanatagan ang loob ang maitutulong ng ilang ube o asul (basta ba kamo magbayad siya or else kaligayahan mo naman ang mawawala. nyahaha).
ang perang pinaghirapan, talaga namang nakakapagbigay ng ngiti at seguridad. isang gumuguhit na fulfillment na talaga namang magpapatumbling sa iyong puso.
hay taon-taon o araw-araw nag-iiba ang price tag ni happiness. sumasabay yata sa inflation, pagbagsak ng piso laban sa dolyar o sa paglalaro ng mga stocks. gulatan. grabe rin ang ekonomiya ni happiness no? erratic at tunay na mapaglaro. minsan magugulat ka ang mura-mura at kung makabargain at maka-buy one take one panalo pero kung makapagtaas naman ng presyo daig pa ang bombay!
hay naku kaya simula ngayon, kasama na ang kaligayahan sa aking pag-iipunan.

Thursday, September 1, 2011
eh di kay remington na ang korona!

after 48 years of mala-prusisyong pagwe-waitsung, sa wakashi, may i now showing na ang zombadings 1: patayin sa shokot si remington mae sa mga sinehan buong high tide at low tide philippine islands. in fairness, sulit nomon ang pagwewaiting in vain sa jolikulang itey na two yearsh daw in d meyking.
at aminin, im sure pedicure more more beckies ang nagtaas ang kilay mae nang makita ang bidabel ng jolikula. like martin escudero who?! well unlike you mga queen city of the south knowsung ko naman siya ng eklayt dahil sa jumoin forces siya sa starstruck na isang talent show sa kapuso network pero like most of you people of the philippines,wit aketch nagexpectorant sa bagets na itey pagdating sa aktingan.
but no, isinampal ni bebe martin escudero sa akin ang kaniyang naghuhumindig na comedic timing at tunay namang hindi kaaward-award ang kaniyang pangfamas na portrayal sa isang transforming becky! ang toroy mga manash! taas noo kahit kanino ang akting ni gaga! aba napaniwala niya akechiwa na isa siyang becky aguila! eh si siya na. at grabe calling award giving bodies please lang mga ateng, pansinin niyo siya at tunay na deserving si martin sa best actor este best actress award niyey!
well well wishing well bukod sa pag-angkin ni bebe mart sa role niya syempre hindi rin nagpaiwan ang ibang mga cast and characters haney... ibigay na natin ang mga runner up sash kina odette khan (bilang mayorang di mo mawari kung tibo o hobby lang magpolo), janice de belen (bilang si mudang pulis ni remington), john regala (bilang father dearest), roderick paulate (hulaan mo!), eugene domingo (bilang mudang ni hannah) with lauren young (bilang via. chos. si hannah day kalove team ni remington) and kerbie zamora (ang masarap na bespren ni remington). palakpakan mga dukha at mga maralita!
oh sobra-sobra naman ang palakpak mo ateng para lang clapper sa byucon acheng! anyway highway ang zombading ay hindi pangkaraniwang pelikula na dinirehe ni jade castro at sinulat nomon nina michiko yamamoto, raymond lee at jade castro (e di sila na talented). hindi itechiwa pangkaraniwan dahil isa itong genre-bending jolikula na isang zombie-slash-horror-slash-comedy-slash-sci fi na tumatalakay sa isang sumpang naikorona sa isang jugestung na may i tawag lahat ng becky, badaf at jokla ng walang kapararakan. at ang jugets na itey ay walang iba kundi si remington! aba'y natural, siya ang bida mae sa jolikula hanufi? so ayun mega-transform siya ala butterfly na from hunkie to becky at di kineri ang sumpa ng fairy gay mother na sumumpa sa kaniya! pero mas matindi at kashokot shokot na mga ganap pala ang ife-face to face nitong si remington! kasi may serial killer na best on gala pa sa kanilang sleepy lucban town na tinetegi ang lahat ng mga becky! oh shet remington beybeh paano na ang byuti mo? and the madness doesn't stop dahling dahil you are now falling in love with your bestfriend na boylet ala jolina magdangal?! oh shet na malagkit, remington paano ka eescape sa ganitong mess?
ay day sobra sobra naman kung best in chika pa ako sa kwento haney? basta ang mga kabog na eksena for me ay iyong sa hagdan habang lashing itey bespren at chumichika sila ni remington at ang moment ni john regala sa bandang dulo mae ng jolikula.
wit ko ring kineri ang chika na anti-gay movie raw itong zombadings. ang say ko naman: WHAAAAT?! gibsung na gibsung na kasi ang gay empowerment sa jolikula mga inday ewan ko ba at namiss nila itey. bwiset. pero sa totoo lang mas gender empowerment nga mga madam bilang binago ng jolikula ang mga role na ginagampanan ng mga babae at lalaki sa kuwento. basta may quiz at essay pagkatapos mapanood ang jolikula at ipaliwanag in byuti pageant answer ang sagot kung bakit malakas ang gender empowerment sa jolikula! ipapasa ang pink long pad na nakalakip sa mabangong stationary. cheka.
basta di lang tawachi at ngitibels ang magigibsung ng jolikula hinahayaan din nitey tayong mag-jisip ng mga bagay-bagay patungkol mae sa ating lipunanchi boom boom at sa pagfind-sung sa ating self-identity. i thank you.
again, remington, sayong-sayo na talaga ang korona!
ay day ikaw na langchina ang di pa nakakawatch! gora na day sa sinechiwa!
Subscribe to:
Posts (Atom)
guess who's back?
ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in. birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
manananggal sa bintana mahina ang hum ng tv habang sinasabayan ito ng mga kokak ng mga palaka sa tag-ulan. malalim na ang gabi at naluluno...