isa akong inggitera.
kasi nastrestress ako minsan sa restaurant kapag oorder kasi minsan baka magkaiba kami ng order pero mas masarap pala ang kaniya. haha mainggit lang ako.
mabuti na lang ang madalas na set up iba-iba ang order pero share share. solb! hihi.
isa akong inggitera.
kasi noong nagtake ang bunso namin ng upcat, syempre masaya ako kung papasa siya pero somewhere sa aking evil mind somehow winiwish na bumagsak sya. haha bagsak kami ni kuya so kapag pumasa siya, siyet lang di ba? feeling ko kasi ako pinakamatalino sa aming tatlo e. nyahaha. so ayun sa aming tatlong magkakapatid walang pumasa sa up. haha ang sama kong ate! chors.
isa akong inggitera.
kapag may nakita akong gusto ko, bibilhin ko. pero syempre depende sa budget.
minsan naman kapag may nakita akong meron ako tapos meron sa iba, nastrestress ako. haha lech.
so isang madamot na inggitera at that.
isa akong inggitera.
pero hindi ko naman sinisiraan yung mga taong nakakataas sa akin.
inggit lang ako kasi meron sila nung wala ako pero wishing na sana someday magkaron din ako nun.
gaya na lamang ng boylet.
shet. heto na naman tayo sa usaping puso. haha
so kapag masusunog ako sa apoy dahil yan sa envy plus lust. chooooos.
haha
basta.
isa akong inggitera.
inggit ka no?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
nakakarelate ako dun sa pagkain. Inggiterong takaw-tingin. :)
ReplyDeleteAlright inggitera rin ako! Haha.
ReplyDelete.
.
At talagang "ate" ang ginamit mo ah. Haha. Bakla ka ba? Chos!
Hahaha. Inggitera din ako bespren, kaya ayos lang yan! Hahaha. Yung tipong gusto kong patayin ang tao sa sobrang ingget. Oha. Ako na ang may criminal mind. Chotz
ReplyDeleteMag-Twitter ka kaya. Hahaha