march 14.
yan ang araw na magagamit ko ang aking passport for the first time.
it's my dream to travel the world at para simulan ito, bakit hindi muna sa ating kapit bahay?
ang singapore!
unang tapak ko sa maliit na bansang ito, nakita ko na agad ang malaking kaibahan sa pilipinas.
malinis.
organisado.
disiplinadong mga tao.
maunlad.
moderno.
malayong malayo sa bansa natin.
kahit saan ako tumingin larawan ito ng kaunlaran at masunuring lipunan.
walang mga yagit sa kalsada (narealize ko kami na pala yung yagit. haha), safe bumalandra sa gabi at hindi ka matatakot maholdap o magahasa.
magara ang mga matatayog na gusali.
mabilis ang kanilang mga tren.
maaayos ang seguridad.
pwedeng uminom sa gripo.
malayo sa bansang pilipinas.
pero habang tumatagal ako, mas nakikilala ko ang maliit na bansang ito.
sobrang masunurin ang mga tao sa batas.
kaya naman takot na silang lumabag sa kanilang gobyerno.
walang rally sa singapore.
may curfew ng 12 midnight.
at iisa lang ang may ari ng tv network.
parang martial law lang.
well hindi naman siguro lahat pero majority ng nakakasalamuha naming singaporeans masusungit. haha sabi nga ng isang pinoy na nakachikahan namin sa isang mall sa orchard, "hindi sila marunong tumawa."
kung maayos lang daw sana ang kita sa'tin, hindi na sila magtitiis sa sg.
kapansin pansin din na para silang robot. mabibilis ang mga lakad animo'y laging nagmamadali. may oras na dapat sundin. umiikot ang buhay nila sa trabaho.
sa liit ng bansa nila, mga foreigners ang bumubuhay sa kanilang populasyon. well opinion ko lang naman ito, pero parang walang sariling kultura ang singapore dahil sa maraming lahi na nga ang nandito. bukod sa nagtatayugang building at modernong arkitekto, kung kultura at kultura ang hahanapin parang hindi ito nagsisip through.
mabilis ang oras dahil nga routinary ang buhay. sabi ko nga, mukhang mabobore din ako sa singapore kapag nagstay ako run. unless marami akong pera. lol
sa apat na araw na naging lima kong stay sa singapore dahil nadelay ang flight, mas nakilala ko ang maliit na bansang ito na 3 oras ang layo satin by plane. pero sa limang araw na yun, pakiramdam ko mas nakilala ko rin ang pilipinas.
madumi.
maingay.
magulo.
pero masaya.
malaya.
sa'tin ang mundo.
ibang-iba pa rin talaga ang bansang pilipinas.
:)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
wow, trip to sg. saya! :)
ReplyDeleteNapangiti naman ako. Sa panahong pakiramdam ko eh lahat ng malalapit kong kaibigan ay isa-isang umaalis ng Pilipinas, binigyan mo ako ng ilang rason para manatili. :D
ReplyDeletesuper saya bespren. hehe
ReplyDeletenaku drama king maraming rason para manatili sa ating bansa. :)