Friday, April 6, 2012

kaleldo/maneldo

maundy thursday.

still waiting for the script revision in manila. kapag holiday talaga tahimik ang lungsod, hindi kasing ingay ng normal na araw. animo'y nagrereflect din ang buong lungsod sa mga kasalanan nito ngayong mahal na araw.

tahimik.
hindi magulo.
payapa.

at akalain mong napansin ko yan habang bumibili ng lechong manok? haha

anyway habang naglalakad ako nakasabay ko ang mga taong nag-aalay lakad. biglang nagiinsert quick flashback sa aking gunita ang mga mahal na araw noong bata ako.

naglalakad din. nagmamadali kasama ang aking mga pinsan at tiyahin sa pampanga at sa liwanag ng buwan nagmamadali kami para sa aming visita iglesia dahil baka maunahan kami sa pila ng pagkain.

sa pampanga kasi ang mga pabasa (o puni sa kapampangan) ay may pakain sa mga dumadayo. pabonggahan kumbaga ng foodams bawat baranggay at infairness iba-iba ang labanan. sa baranggay cangatba pwedeng ice cream at sa baranggay babo sacan ay pwedeng spaghetti naman. sa baranggay poblacion, lagi naming ineexpect na bongga bilang yun ang bayan. so ganun ang diwa ng semana santa sakin nun, ang pagkain.

...at ang hindi pagligo.

palibhasa catholic school baby kaya naman best in holy week tradition. pagpatak palang ng ash wednesday sa canteen ng school namin magsisimula nang tanggalin ang chicken at pork kapag friday at mapapalitan ito ng gulay at isda.

pero masaya ang atmosphere sa school nun kasi nga alam mong nalalapit na ang bakasyon. at kapag bakasyon oras nang gumora in pampanga. kaya yung mga customs and traditions tuwing mahal na araw doon ko talaga lubos na nainvibe! kapampangan style!

bawal magpatuli kapag semana santa kasi nga hindi raw naghihilom ang sugat. shet sabi ko nga sa fb status ko hindi naman nasugatan ang puso ko ng holy week, pero bakit hindi pa naghihilom ang sugat?! chooos. hihi.

tapos bawal daw maligo lalo na kapag biyernes santo. which is hindi ko makuha ang point. aaaah naaalala ko na kasi magiging dugo ang tubig bilang patay ang diyos. speaking of patay ang diyos fave ko nun ang mga scary stories na kaakibat nito dahil sa midnight daw ng biyernes santo gumagala ang mga espiritu.

winner din ang peg ng simbahan noon na hindi ka makakarinig ng kalembang bilang ninakaw daw kasi ni hudas ang bell. kaya naman sa linggo ng pagkabuhay, muling maririnig ang kalembang ng simbahan dahil nabawi na ito kay hudas at pagkatapos ng misa, sama-sama kaming pupunta sa plaza para panoorin ang effigy ni hudas na puno ng paputok bilang kaparusahan sa kaniyang pagnanakaw ng bell at ang pagchuchu kay jesus. winner parang new year lang ulit.

naging frustration ko rin noon na sana maging angel. naiinggit kasi ako sa mga batang angel sa salubong, yung magtatanggal ng belo ni mama mary pagkatapos nilang magkita ni jesus? winner ang role nang batang anghel nun kasi nasa tower siya at every year may pasabog. meron nga nasa wire ang bagets at nakaharness patungo kay mother mary! panalo. (nakompyus pa ako noon kasi sa salubong ang mga lalaki sasama kay jesus tapos ang mga girls kay mama mary tapos muling magkakasalubong sa tapat ng simbahan, ayun nalito ako kung saan ako sasama. echoos. hihi)

it was different back then. or again, effect ulit ng pagtanda na parang nagiging jaded ka na lang sa lahat ng bagay or sa holiday lalo na sa mundong ginagalawan ko na wala naman talagang holiday.

sa tinitirhan namin dito sa qc, malayo sa mga pabasa. mas lalo kong nararamdaman ang katahimikan ng lungsod.

howell di bale, luluwas din naman ako pagkatapos ng trabaho.

maririnig kong muli ang semana santa ng kabataan ko.

3 comments:

  1. Hinding-hindi mo ko mapapatapak sa Pampanga ng Holy Week. Grabe, may bloodbath kasi dun eh.
    .
    .
    I'm too scared of those flagellants and other forms of penitents. It's too much of a scene for me. Hehe. Hihimatayin ako for sure.

    ReplyDelete
  2. Namimiss ko rin ang mga paniniwala at tradisyon tuwing Semana Santa. Bilang nagtatrabaho na, guilty ako na nagiging panahon na lang para magbakasyon ang Mahal na Araw. Pero ang naiisip ko na lang, at least naexperience ko naman sila nung bata ako. Ayos na siguro 'yun.

    At benta 'to. shet sabi ko nga sa fb status ko hindi naman nasugatan ang puso ko ng holy week, pero bakit hindi pa naghihilom ang sugat?!

    Natawa ako ng wagas. :D

    ReplyDelete
  3. haha db sobra. well uso yun dun. hehe

    hehe drama king. oo ako rin actually nawawala na ang essence ng semana santa. nakakaguilty paminsan.

    shet uber late rep. lol

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...