im starting to get bored with my blog. actually i feel that the inspiration ran out na.
ewan.
nakakatakot lang yung thought na yung writing for me ay nagiging work na kaysa escape from this oh so chaotic world. pero infairness to me sinusubukan kong ihiwalay or i-merry ang joy of writing sa work. sa industriya kong kinabibilangan, ang trabaho ay personalan bilang ang pagsusulat ay isang personal na gawain dahil naglalabas ka ng mge emosyon na iyong kinukubli sa kaibuturan ng iyong pagkatao. kaya ang hirap ihiwalay at i-detach ng personal sa trabaho lalo na kung baguhan ka pa lang sa mundong ito. mabuti na lang sanay na ako.
natatakot lang ako na baka matakot na akong magsulat para sa sarili ko at dumating sa point na simulan kong kapain ang mga salita at letra sa keyboard... baka umurong. matakot na ring lumabas. baka mawala ko ang paglalaro sa mga kuwento...
gaya na lamang nitong blog ko.
sa tuwing nababasa ko ang mga past posts ko lalo na noong college, ibang iba kaysa sa mga posts ko after. mas playful ako nun. mas broad ang topic. mas relaxed lang. hindi ko alam kung anong nangyari.
maybe because tumanda na ako? nagmature? nag-iba na ang priorities?
dati sobrang pag-iisipan ko pa kung ano ang iblo-blog ko.
or baka dahil pakiramdam ko wala na rin yung mga kasama ko dito? well yung mga friends ko naman sa totoong buhay na nagbloblog, either lumipat na ng ibang blog sites or tumigil na rin. tapos yung mga dating nakakausap ko dito at nakakakuwentuhan, wala na rin. either huminto na sa pagbloblog or naging abala na rin sa kaniya-kaniyang buhay...
ewan.
marami na ngang nagbago. nakaka-apat na season na nga pala itong blog ko e. (i, ii, iii, iv) haha na kung tutuusin hindi ko naman alam kung ano ang pagkakaiba-iba ng apat na yan. or sa tuwing nakaka-100 posts yata ako nag-iiba yata ako ng season? haha whatever to me. lol. pauso. or bawat milestone ko yata sa buhay. haha
ewan ko ba.
i guess kailangan kong makipagbrainstorm sa aking sarili para magbukas ng panibagong season sa blog ko. dahil season five at matagal nang hindi ako nagpapalit ng season, dapat mas bongga ang aking ika-limang season. pauso levels.
kailangan kong hanapin ang sarili para sa panibagong yugto ng blog ko. CHOS. hahah baka kailangan ko lang pag-isipan.
ewan ko ba.
who cares? as if may nagbabasa pa ng blog ko. haha ako lang naman yata. hahaha howell kailangan ko pa ring pasayahin ang sarili ko at magbukas ng panibagong chapter dito dahil my blog bores me to bits. chors.
hay.
ewan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
Help make your web site as exclusive and interesting since you are. There are many blogs and also other types of media on the market on the net, and yours need o get noticed to get a reader base. Be unique and fun if that's who you are. Chances are, the visitors you get will probably be people who take pleasure in the identical stuff you do, which might, therefore, increase your product sales. [url=http://www.ss12w12ws.info]Obse8ighve[/url]
ReplyDeletehi!
ReplyDeleteif you'd ask me, nakakatamad na mag-blog because of micro-blogging a.ka. Twitter. ahahaha! mas madali mag-express sa Twitter eh.
ituloy mo lang ang pagba-blog! :)